Matapos ang isa’t kalahating oras ng pag-aayos ay agad na silang lumulan sa isang itim na limousine na siyang maghahatid sa kanila sa Mercado’s Mansion kung saan gaganapin ang event. Ang pamilya Mercado ang founder at owner ng Hot Talks Magazine Publishing Company. Cohen was sitting on the opposite seat facing the magnificent angelically gorgeous Ghana. Napakaganda nito sa suot na dirty white flowy ballgown na tinernuhan ng silver na tiara sa ulo na nagpapaalala ng high status ng Manila Company na nirerepresenta niya ngayong gabi. Ang binata naman ay nakablack tuxedo with matching silver necktie para ternuhan ang tiarang suot ng escort niya ngayong gabi. Binigyan naman sila ng signal ng nakaformal attire ring driver na malapit na sila sa venue. Halos malula ang dalaga sa dami ng mga