Czarina woke up with a heavy head... pakiramdam din niya ay bumabaliktad ang sikmura niya.. Nagpalinga-linga siya ng makitang wala siyang kasama sa kwarto. Tumayo siya para sana tumungong banyo pero pagtapak ng paa niya sa sahig ay tila siya isang lasing dahil parang susuray suray ang kanyang katawan. Napakapit siya sa hamba ng kama at napahawak sa kanyang ulo dahil sadyang nahihilo na siya. Pero ang isang pinagtataka niya ay kung bakit parang gutom na gutom siya at tila meron siyang gustong kainin pero di niya rin mawari kung ano. "Kailangan kong makarating ng banyo para makapaghilamos..hihilamos ko lang mawawala din ang pagkaliyo ko..nasobrahan siguro ako sa tulog... nasaan na kaya si mine?" tila kausap ni czarina sa sarili at akmang bibitiw na sa pagk