33 - Makukulong HINDI mapalagay si Hermione sa loob ng kwarto. Paroon at parito siya, natutulala at kahit na anak ay parang nakakaligtaan. Alas otso na ng umaga. Kanina, nang umalis si Cain ay gising na siya. She was still pretending to be fast asleep. Hindi niya kasi maipaliwanag ang kabog ng dibdib niya. She gave herself to him, at least to make him feel even for the last time that she was so sorry and she didn't mean to do anything bad to his mother. Her fear never left her since last night she received the call. Pakiramdam niya ay mababaliw siya sa pag-iisip. She's so blank. Parang tinakasan siya ng kanyang neurons, walang anuman na maisip kung hindi ang salitang, makukulong siya. Hindi pa siya kumakain. Mabuti na lang at matino pa rin ang isip niyang inaasikaso ang anak sa kabila ng