Special Chapter SHE'S inside the shopping mall, namimili ng mga baby dress para sa anak niyang babae. Walong buwan na ang tiyan niya ngayon. Ang bilis lang na lumipas ng mga araw, parang hinihipan lang at manganganak na siya. Noong dalawang buwan ang kanyang t'yan ay ginanap ang church wedding nila ni Cain. He pushed it. He fixed it. Bago raw lumaki ang t'yan niya ay gusto no'n na makita siyang naka suot ng wedding gown at naglalakad papunta sa altar. And it happened. It was the most talk of the town wedding of the year. Natatawa pa siya dahil ang sabi, tuluyan na raw na lumagay sa tahimik ang sira ulong anak ng bilyonaryong si Senyor Leon. Hindi barumbado si Cain. Mukha lang itong parating may ikakasa, dahilan na rin siguro para masindak dito ang mga kalaban nila at makuha nito ang ginu