CHAPTER 12
“MABUTI pa Leila kunin mo na nga muna ang mga gamit mo dahil baka ano pang gawin ng Tatay mo sa inyong dalawa. Palamigin mo muna ang ulo niya. Nabigla lang yun. Alam mo namang ayaw ka niya talaga magnobyo diba?” mahinahong sabi ni Nanay ng humarap samin.
“H-hihiwalayan ko.. na.. po si Francis.. h-hindi.. na po.. ako magbo-boyfriend..” sabi ko sa pagitan ng bawat paghikbi. Kahit kumirot ang aking dibdib dahil sa ideyang iyon ay buo ang pasya ko na hiwalayan ang nobyo dahil sa nangyaring ito samin ni Tatay.
“Leila..” masuyong tawag sakin ni Francis pero hindi ko na pinansin. Nagpunas ako ng luha.
“Mainit ang ulo ng Tatay mo, hindi magbabago ang isip niyan. Baka gumawa pa ng eskandalo yun kapag di mo sinunod. Mabilis uminit ulo niya diba kpaag hindi sinusunod. Mukha namang mabait itong nobyo mo.” Tumingin ito sa kay Francis. “Ikaw na muna ang bahala sa Unica Hija namin, wag mong pababayaan ito. Kukunin din namin siya agad. Kakausapin ko lang ang asawa ko.” Tinalikuran ako ni Nanay.
Napaiyak ako sa sinabi nito. Napabaling ako kay Francis na naiinis habang hilam ng luha ang bawat pisngi.
“Tignan mo yung ginawa mo! Sabi sayo eh! Di ka kasi nakikinig sakin!” pinagsusuntok ko ito sa dibdib sa sobrang inis. Tinanggap ang bawat pagsuntok ko.
“I’m sorry.. I’m sorry, kausapin ko ulit siya baka magbago ang isip. Kung ano man ang desisyon mo, sige tatangapin ko. Ayoko ng nakikita kang ganito..” Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Lalo nga kasi yun magagalit! Hindi mo kasi yun kilala. Iniisip nun kapag may boyfriend magaasawa na! Nakakainis talaga! Tulungan mo na lang ako kumuha ng gamit ko!” pinunasan ko ang ilang luha saking mata. Tumingin ito sakin na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.
“Kumilos ka na diyan! Mamaya may dala ng itak yon! Mamatay ka pa ng maaga, naging kriminal pa Tatay ko!” padabog ko siyang iniwan sa sala at dumiretso na sa kwarto. Kinuha ang malaking bagpack at inilagay doon ang ilang damit at gamit sa eskwela.
Kinuha ni Francis sakin ang bagpack. Lumingon pa ko sa buong kabahayanan bago kami nagpasyang umalis. Iyak ako ng iyak hanggang pagdating sa bahay nila. Takip ang bibig gamit ang panyo ng pagbuksan kami ni Maricar ng pinto.
“Kuya..” nagpapalit palit pa ng tingin samin si Maricar bago kami tuluyang papasukin.
“Matulog ka na, sabihin mo kila Nanay andito na kami ni Leila. Magpapahinga na muna kami.”
Tumango lang ito at umalis na din sa harap namin. Pagdating sa kwarto ni Francis ay tahimik akong umupo sa kama. Hindi parin tuluyang maabsorb ang mga pangyayari. Talagang dito na muna ko sa kanila titira? Naiiyak na naman ako. Dahil naalala ang alitan namin ni Tatay.
Tinignan ko si Francis na abala sa pagayos ng ilang gamit ko. Hinanger nito iyon at itinabi sa mga damit din niya.
“Matutulog ako, wag mo kong istorbohin.”
Humiga ako ng patagilid. Hindi ko man lang ito tinapunan ng tingin. Pumikit ako ng mariin at nagpanggap na matutulog na.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito pagkatapos isara ang cabinet.
“Sa sala na muna ako.. If you need something, just call me. I hope we could sort things out later. I’m sorry sweetheart and... I love you..” pagkatapos ay narinig kong isinara nito ang pinto.
Akala ko mahihirapan akong makatulog dahil sa sitwasyon. Pero nagkamali pala ako, dahil sa pagod sa kakaiyak ay tuluyan akong nahatak sa pagtulog.
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa init. Pagdilat ay braso ni Francis ang nabungaran. Yakap yakap ako mula sa likuran. Napabuntong hininga ako. Medyo gumaan ang pakiramdam dahil sa nagawang pagtulog. Hindi ko naman magawang umiba ng pwesto o kumilos dahil nakasubsob sakin ang nobyo. 12:40 na ayon sa digital clock nito na nasa bed side table.
Medyo mahaba pala yung tulog ko. Kaya ngayon pakiramdam ko hindi ako agad makakabalik sa pagtulog. Napakagat labi ako ng tumunog ang tiyan. Hindi pa nga pala ako nag dinner.
“Your hungry.”
Nagulat ako ng magsalita ito at pinadaus-dos ang palad papunta saking tiyan at hinimas iyon. Simpleng gesture lang pero nakakaramdam na naman ako ng kuryente paakyat saking katawan.
“Gusto ko ng kumain.”
Pagkasabi ko niyon ay humarap ako sa kanya. Unti unti itong dumilat, halata ang antok sa kanyang mga mata. Nagtitigan muna kami, ramdam ko na sinusubukan nitong basahin kung anong nasa isip ko.
“I can’t read your mind right now.”
“Hindi mo mabasa? Sinabi ko na ah? Nagugutom ako.” Sinamaan ko ito ng tingin. Natawa ito ng bahagya. Medyo nag light na ang mood sa palagid. Bumangon si Francis sa kama.
“Dito ka lang, I’ll just get you your food,”
Pagkatapos nitong isara ang pinto ay nagdesisyon akong umupo at magisip muli. Nalulungkot ako na may alitan kami ni Tatay. Kinuha ko ang cellphone sa bag at nakitang may ilang message si Paolo duon.
Pao:
Ate, umalis ka? Kasama mo na yung gwapong basketball player?
Pao:
Mainit parin ulo ni Tatay. Hindi namin makausap. Sumubok si Nanay kanina pero lalo lang nagalit. Kaya hindi na siya umulit. Kahit naiinis ako sayo dahil palagi mo kong sinusungitan. Magingat ka parin. Kapag pinabayaan ka o pinaiyak ng basketball player na yan susuntukin ko siya!
Pinahid ko ang ilang patak na naguunahan na palang mahulog saking pisngi. Suminghot singhot pa ako ng maabutan ni Francis.
“Hey..”
Bitbit nito ang bed tray na laman ay ang aking pagkain. Inatake ng amoy ng sinigang na baboy ang aking ilong. Lalong tumunog ang aking tiyan! Kanina nada-down na naman ako, pero ng maamoy ang pagkain bigla na lang nagiba ang mood ko. Ambilis magbago.
May bahid ng kuryosidad ang mukha ni Francis pero hindi na nagawang magtanong ng makita akong nagmamadaling kumain ng ilapag nito ang pagkain.
“Dahan dahan.. gutom na gutom ka nga,” Natatawa itong kumuha ng baso para iabot sakin.
Ang sarap! Ang asim!
Tumango tango pa ko kada subo. Pagkatapos kumain ay uminom ng tubig. Medyo naasiwa lang ako sa klase ng tingin ni Francis sa bawat galaw ko.
“Ba’t ganyan ka makatingin?” sita ko sa kanya pagkatapos ay ibinaba ang baso.
“Hindi ka naman ganyan kasabik sa sinigang noon diba?”
“Gutom ako, kaya sobrang sarap niyan sakin. Ano bang gusto mong palabasin?” Inirapan ko siya.
Unti unti na naman nanunumbalik ang inis sa kay Francis. Umiling lang ito at kinuha tray para alisin sa kama.
“Matulog ka na, manunuod na lang muna ko sa Youtube bago matulog. Papababain ko lang ‘tong kinain ko,”
Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama. Nakita kong inangat ni Francis ang takip ng diffuser at nagpatak ng oils. Pagkatapos ay tinakpan iyon at ng nagsimulang maglabas ng mist ang diffuser at kumalat na ang amoy ng lavender sa kwarto.
“I put some oils to help you calm and have a deeper sleep.”
Explain niya kahit hindi naman ako nagtatanong.
Inabala ko na lang ang sarili sa pagkalikot sa cellphone. Nagpatugtog ng OPM songs. Pumikit ako ng magsimula ng kumanta si Erick Santos. Naramdaman ko ang pagsampa ni Francis sa kama. Humiga ito at yumakap sakin. Pinalibot ang braso sa tiyan ko.
You always ask me
Those words i say
And telling me what it means to me
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all I know
Narining kong nagsalita si Francis kaya hininaan ko ng kaunti ang music.
“Hindi kita masisisi kung maiisip mo na..” Nabasag ang boses nito kaya napahinto sa pagsasalita. Napalunok tuloy ako. Hinawakan niya ang mga daliri ko at pinaglalaruan iyon. Para bang duon kumukuha ng lakas para magpatuloy magsalita.
Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all I know
“... na hiwalayan ako. I know you love your family... Hindi ako makikipagkompitensya, wala naman akong laban don.. Magulang mo sila.. I just want you to know this... kung maghiwalay man tayo ngayon. Hindi ibig sabihin nun ay sumuko ako.. I’ll consider it as rest, and if things seems fine. I will pursue you again...” huminto siya at tumingala sakin. Nagtama ang aming mata. Kahit na ang ilaw ay mula lang sa diffuser ay kita ko parin ang pamumula ng mga mata nito. Kumikirot ang puso ko sa nakikita. Sumabay pa yung tugtog sa bigat ng nararamadaman namin ngayon.
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you
“...hanggang sa ang apelyido ko nakadikit na sa pangalan mo..” suminghot ito pagkatapos sabihin iyon. Napaiwas ako ng tingin. Naiiyak narin. Hindi ko alam kung ang pagibig ba na nararamdaman namin ay hilaw pa? Maaring ngayon sobrang mahal namin ang isa’t isa.. pero paano sa mga susunod na taon? Katulad pa rin kaya yung nararamdam namin ngayon pagkatapos ng isa? Lima? O sampung taon?
Hindi ako sigurado pero pagod na ko isipin ang bukas. Gusto kong sumaya ng walang limitasyon. Gusto ko ibuhos lahat ng pagmamahal ko para sa kanya. Kahit hindi sigurado kung hanggang saan lang ba talaga kami ay ibibigay ko parin ang lahat sakin.. Para wala akong pagsisisihan. Ayokong mabuhay sa ‘what-ifs’.
Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you for this is all i know
“Sa totoo lang, nahihirapan ako sa sitwasyon..” napatingin ako sa kisame dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa titig niya.
“Pero diba, nasaan ba ko ngayon? Diba kasama mo? Ayoko biguin sila Tatay.. mahal na mahal ko sila. Pero mahal din kita, ang sakit sakit na bakit kailangan kong mamili. Bakit hindi pwedeng tayo? Bakit hindi tayo bigyan ng chance? Minsan naiingit ako sa iba, bakit sila okay lang? Alam ng magulang nila pero okay lang naman ah? Bakit satin hindi pwede? Wala naman tayong gagawing masama..” napasinghot singhot pa ko habang sinasabi iyon.
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you
“Bwisit ‘tong kantang ‘to! Am-pangit!”
Pinatay ko ang cellphone kaya tumigil ang tugtog. Niyakap ako ni Francis ng mahigpit na tipong ayaw na kong pakawalan.
“I’ll support whatever decision you made. But.. the idea of ‘breaking-up’ is really killing me sweetheart..” Marahas itong napabuga ng hangin bago sinubsob ang mukha sa bewang ko.
Hindi ako nagsalita. Bahala na. Magiging okay din naman ang lahat. Papatunayan namin na mali sila ng iniisip. Pero ang ideya na bigla magbago ang isip ni Tatay at pilitin akong hiwalayan si Francis ay sumasakit na ang puso ko. Parang hindi ko ata kaya...
“Okay nga lang ako! Wala ka bang gagawin?” Nakapameywang kong tanong.
Umiling ito pagkatapos ay umupo sa bench ng nakadekwatro habang nakatingin sakin. Last day na ng intramurals. Awarding na sa mga nagchampions sa iba’t ibang games. Sumulyap ako kay Shaina na abala sa kakadutdot sa cellphone niya. Walang pakialam saming dalawa.
“Panong wala eh diba awarding na kayo mamaya? Kailangan ka don.”
“Truth. MVP tas wala sa awarding.” si Shaina
“You are more important than that.”
Napatingin kaming dalawa ni Francis sa naubong si Shaina.
“Alam niyo kung ganyan din kayong dalawa halos ayaw maghiwalay, tama lang na magkasama nga kayo sa iisang bahay.” Napailing pa ito bago muling binalik ang tingin sa cellphone.
“Pumunta ka na kasi don. Hahanapin ko pa si Paolo. Kakausapin ko.” Iritable na ko sa kakulitan ng nobyo.
Tinignan niya lang ako pagkatapos ay tumango. Naiilang kasi ako kapag magkasama kami sa school. Lalo na ngayong alam na ng lahat na may relasyon kaming dalawa ay ganon na lang kung makatingin ang ibang estudyante sa bawat galaw namin.
Bumuntong hininga siya. “Alright, call me when your done.”
Tumango na lang ako at sinenyasan siyang umalis na. Aamba pa sanang hahapitin ako sa bewang para yakapin pero umiwas ako at pasimpleng nginuso ang ilang estudyanteng nakatingin samin.
Naiiling itong naglakad palayo samin.