Chapter 8

2597 Words
CHAPTER 8           “MAUNA na ko, antayin kita sa gate,” mahinang sabi ni Francis bago ako lagpasan.       Katatapos lang ng klase at oras na ng uwian. Magsasalita pa sana ako kaso naunahan ako ni Mira.     “Babe! Sabay na tayo!”     Nagulat si Francis sa biglang pag angkla sa kanya ni Mira. Napasimangot naman ako habang tinatanaw ang dalawa.     “Hanggang kelan ‘yang ganyan?”     Tinignan ko si Shaina na inginu-nguso ang dalawa. Sikop nito ang ilang libro na ginamit namin kanina sa klase.     “Hanggang graduation?” sabi ko.     Sinimulan naming maglakad palabas sa school.     “So.. nag desisyon na pala kayong i-reveal ang real score ninyo ni Francis sa graduation day?”   Tumango ako bilang pag-sang ayon. Inayos ko ang ilang takas na buhok saking mukha at inipit ko iyon sa kabilang tainga. Nagpaalam na si Shaina ng makarating kami sa gate.     Abala ako sa kakatanaw kung nasaan na si Francis at Mira pero hindi ko na makita ang dalawa. Tingin ko ay umalis na, mabuti na rin iyon dahil hindi ako pwedeng ihatid ni Francis dahil ayokong ma-tsismis kaming dalawa.     Inayos ko ang Tote bag saking balikat  bago nagpasyang umuwi ng mag-isa. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay nagulat ako sa biglang pag hinto ng puting sasakyan sa tabi ko. Mas lalo akong sa shock na Rolls Royce car pa ito. Alam kong luxury car ‘yon, dahil nakita ko iyan sa internet noon.   Bumaba mula roon ang isang lalaking naka suit and tie pa! Nakatali ang medyo mahaba at kulay itim na buhok nito. Matangkad at may kalakihan din ang katawan. Mukhang nga lang mas matanda samin ito ng kaunti. Naghuhumiyaw din ang pagka mestizo katulad ni Francis. Kumpara sa nobyo, ang mga mata nito ay parang nangaakit pero may halong panganib.     Ipinahinga nito ang braso sa pintuan ng sasakyan bago nagsalita.     “Wanna ride?” Ngumisi ito sakin.     Napakurap ako sa sobrang titig ko sa kanya. Natulala ata ako sa pagka-gwapo nito. Ibunuka ko ang bibig pero walang lumabas maski isang salita roon.     “f**k OFF, Leandro. She’s mine.” Hinawakan ni Francis ang aking kamay at tinabunan ng katawan nito ang aking paningin.     Napaawang ang labi ko sa sinabi ng nobyo. Kakilala niya ito?   Sumulyap ako sa lalaki at nakitang tumitig lang ito kay Francis bago nagtaas ng dalawang kamay.     “Relax. Don’t stare at me as if your going to eat me alive! Wala akong ginagawa masama. I just offer her a ride.” Natatawang sabi ng lalaki. Nahuli akong nakatingin sa kanya, itinagilid nito ang ulo at kinindatan ako kaya agad akong napaiwas ng tingin. Sinilip ako ni Francis bago muling tumingin ng seryoso sa lalaking kausap nito.     “I’m warning you. Leave.her.alone.” he said dangerously. Umigting ang panga nito.     Nagkuno’t-noo ako sa mga pangyayari. Nagiisip kung kaano-ano ni Francis ang lalaki. Napapikit ako ng mapansing dumarami na rin ang nakiki-usyoso dahil nga naman sa luxury car na nasa tabi ng kalsada.   Tumikhim ako bago nagsalita.   “Maiwan ko na kayong dalawa, marami ng taong nakatingin.” Mahinang sabi ko. Nakailang hakbang palang ako ng nagsalita ang lalaki.     “Well.. sorry to disturb you Miss. Kita tayo ulit pag wala ng asungot. I’ll go ahead.”   Napatingin ako sa kanya. Tinanguan niya ako bago bumaling kay Francis at natatawang sumaludo.     “Asshole! Wala ng susunod, mark my word.” Kuyom ang kamao at igting parin ang panga ng sinabi niya iyon.     Umiiling at natatawang pumasok sa loob ng sasakyan ang lalaki. Tinanaw ko muna itong pinaharurot ang sasakyan bago ako tumalikod at nagsimulang maglakad ulit.     Alam kong nakasunod si Francis sakin, ganito ang set up namin kapag hinahatid ako papunta sa school at sa karenderya pati na rin sa pag-uwi pagkatapos ng trabaho . Hindi naman niya ako sinasabayan sa paglalakad kasi nga ayaw ko.  Inantay pa ni Francis na matapos ako sa trabaho. Palagi lang siyang nakabantay na sakin. Sa karinderya na rin kumakain.     “Aba, walang araw na wala kang sundo Leila ah. Consistent si lover boy.” Bulong sakin ni Vina habang tinitignan namin si Francis na sumisimsim ng kape. Katatapos lang kumain ng hapunan.     “Gusto niya yan eh, kahit anong sabihin ko makulit. Sinabi ko na ngang bawal pa ko magboyfriend eh. Sunod ng sunod.” Naiiling kong sabi. Hindi magawang aminin ang relasyon namin ni Francis. Ayoko pa kasing kumalat ang balita. Tama ng isipin nilang nanliligaw lang atleast kahit papano hindi mag freak out ang magulang ko kung makaabot sa kanila ang balita. Medyo naiintindihan naman nila yun dahil dalaga na ko ay meron talagang mga iilang nanliligaw.   “Ay, sus! Parang di mo naman bet kung makawarla kayo nung birthday ni Anton. Kayo na nga ata eh. Nililihim mo lang?” Sinundot sundot pa niya ang tagiliran ko habang nagaasar.     “Wag ka nga diyan! Hindi noh, kung ganon man ikaw unang makakaalam!”     Dinaan sa pekeng tawa ang biro pagkatapos ay iwas ng tingin. Dahil baka mabuking. Umalis si Vina ng hindi kumbinsido sa sagot ko pero di ko na iyon pinansin.     Sinukbit kong muli ang bag saking balikat at inayos ang muling sinuot na uniporme. Agad na tumayo si Francis pagkita sakin na nagpa-paalam na sa mga kasamahan. Nagkatinginan kami. Pinauna niya ko maglakad palabas ng karinderya.     Matapos ang trenta minutos na paglalakad, nagulat ako sa biglang paghatak ni Francis sakin papasok sa eskinita. Nagpalinga linga ako sa paligid, nangangambang may ibang taong makakita samin.     “Ask me now.”     Ramdam ang bigat ng bawat paghinga nito saking tainga. Napaiwas ako ng tingin. Hindi alam kung pano sisimulan ang sasabihin.     “Let me know what’s running in your head right now...”  bulong niya sakin. Napalunok ako sa sensasyong dulot niya sakin. Tumikhim ako.     “Marami pa ata akong di alam, pero okay lang naman k-kung ‘di mo sabihin sakin eh. Mababaw palang naman pinagsamahan natin para manghimasok ako diba?” Dinaan sa pekeng tawa ang sinabi.     “Mababaw?” he paused.     “I never think of that. Do you feel like I’m keeping secrets from you?” Pataas baba ang palad nito sa gilid ng aking bewang.   “Tigilan mo nga ‘yan, mamaya may makakita satin dito.” Hinawakan ko ang kamay nito para pigilan.     “No one’s watching.”     Nagkatitigan kami. Alam ko yung paraan ng pagkatitig niya sakin. Binabasa niya kung anong laman ng utak ko ngayon.     “Sino ba yung kausap mo kanina? Pati nung nakaraan? Yung nagmamadali tayong umuwi?”     “They are dangerous people. Kaya wag kang makikipagkita sa kanila. Don’t even talk to them.”     “Ha? P-panong... panong dangerous? Ba’t kilala mo?” Nalilito ko ng tanong sa kanya.     Ibubuka na sana nito ang bibig upang magsalita kaso may sumita samin.     “Susmaryosep na mga kabataan ito! Aba’y mga highschool pa kayo ah! Ba’t kayo naglalampungan diyan?!”     Napasubsob ako sa dibdib ni Francis, niyikap ako nito at tumagilid para siguraduhing hindi makikita ang mga mukha namin.     “Teka, nalaglag itong ID mo hijo!”     Pahamak na ID! Bakit kasi tinanggal tangal pa at nilagay sa bulsa! Nalaglag tuloy!   Naramdaman ko ang yabag nitong papalapit na samin. Niyamukos ko ang uniform nito sa sobrang nerbiyos.     “At the count of two..” he whispered.     “Ano?”   Nakasubsob parin at hindi maintindihan ang sinasabi ng nobyo.     “Run baby.. one.. two!”       “Ha?” Napatingala na ko sa kanya habang takip ng kabilang palad ko ang aking kaliwang pisngi. Hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Tatakbo ba kong magisa o dalawa kami?     “Run!” Itinulak niya ako at mabilis itong humarap sa matandang nakapulot ng ID niya. Alangan man ay mabilis at walang lingon akong tumakbo palayo sa kanila sa takot na makita ang aking mukha.           “Are you home? Can I call? Ateee! Nagtext si Shaina!”     Mabilis akong lumabas ng banyo dahil sa sinabing iyon ni Paolo. Nagpalit kasi ako ng damit pagkarating sa bahay. Nawala naman sa isip ko ang naiwang cellphone sa ibabaw ng lamesa.   Ang walang hiya kong kapatid ay nangialam na naman!     “Ba’t ba pinapakielaman mo na naman cellphone ko?” sabay agaw sa phone kong nasa palad niya.       “Nanay! Si Ate o! Nangihihiram lang ng cellphone eh! Titignan ko lang f*******: ko, napakadamot mo naman. Kasalanan ko bang nag appear yan sa notifications mo kaya nabasa ko.”     “O! o! Nagaaway pa kayong dalawa, dami niyong alam! Tulungan niyo kaya ako dito magluto at ng may pakinabang kayong dalawa hindi yung ang alam niyo lang eh kumain!” Gigil na naghihiwa si Nanay ng sibuyas.     “Sumbungero ka, mag-igib ka kaya don!” sita ko sa kanya.     “Tapos na! Kung makagalit ka diyan kala mo naman nahuling nagtext yung boyfriend, eh si Shaina lang naman yan.” Padarag itong umalis sa upuan.     “Sinong may boyfriend?”     Sabay kaming napalingon ni Pao sa pintuan. Si Tatay na kauuwi lang. Nilapag nito ang dalang gamit sa pagsasaka.     “O, Oscar andyan ka na pala! Hindi pa ko nakakapagluto, saglit lang at mabilis lang ‘to.” Nagmamadali na si mama mag gayat ng sibuyas.       “Sinong sinasabi mo Paolo na may boyfriend?” paguulit ni Tatay habang inurong ang upuan para makaupo.     “Si Ate kasi Tay.. nanghiram lang ako ng cellphone niya nagagalit na.” Pagsusumbong ng walang kwenta kong kapatid.     “Pakielamero ka kasi, hilig mo gamitin cellphone ko eh meron ka naman,” sagot ko habang busy na sa pagclose ng message ni Francis sakin.     “Edi ba nga nagloloko na, nabasag yung screen. Ambilis masira pano china phone.” Nakasimangot siya ng sinabi iyon.     “May boyfriend ka na Leila?”     “Wala ah! Wala namang sinabi si Paolo, ang sabi niya nagtext si Shaina. Bahala na nga kayo diyan may gagawin pa ko.” Pagdadahilan ko para takasan ang usapang boyfriend.       “Siguraduhin mo lang! Mahuli lang kita diyan, sasama ka ng wala sa oras diyan sa nobyo mo!” pahabol niya bago ko tuluyang naisara ang pinto.     Napabuntong hininga ako dahil sa sinabing iyon ni Tatay. Minsan kapag naririnig ko yung pagkadisgusto niya sa ideyang may boyfriend ako, nawawalan talaga ako ng gana kausapin si Francis. Alam mo yung nasa relasyon ka na walang kasiguraduhan kung hanggang kelan kasi ayaw ng magulang mo. Nasa isip ko kagad, magtatagal kaya kami nito? Hanggang kelan? Nanghihina ang loob ko tuloy na ipakilala ang nobyo sa graduation day kung patuloy akong makakarinig ng ganito sa magulang ko.   Inabala ko ang sarili sa kagagawa ng assignments at hinayaan ang pag vibrate ng cellphone ko. Matapos ang ilang oras, sinilip ko ang phone at tadtad na iyon ng messages at calls galing sa nobyo.     Shaina:   Hey, busy ka?     Shaina:   Sweetheart     Shaina:   Why don’t you answer my calls?     Shaina:   Nasa bahay ka na ba? Bakit hindi ka nagrereply..       Shaina:   Sweetheart! :(     Shaina:     Call me when your done. I’ll be waiting     Napabuntong hiniga ako. Gabi gabi naman kami magkatext. Inaabutan ng hating gabi sa kung ano ano na lang pinaguusapan. Hindi ako pumapayag ng tawag dahil naririnig ni Nanay at Tatay kapag may nagsasalita dahil nasa kabilang kwarto lang sila. Pero may pagkakataong ganito, tatamarin na kausapin siya kasi nga sa nangyari din kanina.           Me:   Sorry. Katatapos ko lang gumawa ng assignments     Nagulat ako na wala pang ilang segundo nagreply na ito.         Shaina:   Atlast! Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Kumain ka na ba?     Me:   Hindi pa. Sobrang busy ako matapos ‘tong assignments natin kaya ngayon palang ako kakain.     Shaina:   I don’t like it when you skip meals.     Me:   Arte mo! Kakain na! Ano palang nagyari kanina nung pagalis ko?     Shaina:   Kinuha ko lang ID ko tsaka umuwi.     Me:   Nakita niya mukha mo?     Shaina:   Sweetheart. Ano bang klaseng tanong yan?     Me:   Oo nga pala. Syempre nakita niya. Sorry naman!     Shaina:   Can I call? Pagusapan natin yung kanina     Siya na ang nag-insist pagusapan yung gusto kong malaman. Ang kaso, natutulog na sila Nanay.       Me:   Tawag ka. Makikinig ako pero di ako magsasalita.       Shaina:   Okay       Humiga muna ako sa kama bago sinagot ang tawag niya.     “Sweetheart?”     “Hmmm..”     Umungol ako bilang sagot.     “It turns me on when you moan.” he chuckled     Huminga ako ng malalim bilang sagot. Talagang nakuha pa nitong magbiro sa oras na ‘to.     “Okay, okay..” Natawang muli pagkuwa’y sumeryoso.   “I’m serious... I don’t want you to talk to them or even meet them. They’re dangerous people, so.. I want you to trust me.. They are..” huminto siya at may bahid ng pagka-alanganin ang boses.     “They are?” mahinang mahina kong dugtong sa sinabi niya.     “They are nothing, I have no connections with them. Please trust me with this. Ayoko ng pagusapan pa natin ‘to o pagawayan pa.” Pakiusap niya sakin.     Hindi ako satisfied sa sagot niya pero dahil may tiwala ako at ayoko ng makipagaway pa ay hinayaan ko na siya.     Napuyat na naman kami sa kaka-text nung gabing iyon.       Malapit na ang Intramurals. Isa si Francis na kinuhang player sa Basketball para representative sa game namin. Bihirang bihira na niya ako ihatid sa karinderya at masabayang umuwi dahil sa araw araw na practice game nila tuwing hapon.       Araw ng Biyernes, excuse si Francis sa lahat ng subject para sa puspusang practice game ng team nila para sa next week na Intramurals. Mabilis na nagtayuan ang mga classmates ko ng sabihin ng Science teacher namin na tapos na ang klase. Tanghali na ibig sabihin ay simula na ng lunch break namin.     “Bilisan mo Mira! Manuod tayo ng practice game ng jowa mo! Dali! Andon din daw sina Logan! Naku mapapanuod natin sila ng kumpleto!” Tili ng classmate ko habang nagmamadali silang lumabas ni Mira sa classroom. Napairap na lang ako sa kawalan. Hindi ko alam san nila nahugot ang ideyang magboyfriend ang dalawa samantalang di naman nagko-confirm si Francis. Kung di ko lang talaga sinabi na hayaan na lang siyang landiin para hindi siya maissue sakin ay baka matagal ng sinita ito ni Francis.     “Shaina.” Tawag ko sa kaibigan habang busy ako sa pagbalik ng notebook at libro sa bag.     “Ano?”     “Tara, samahan mo ko.. Nag-alisan na sila o! Tayo na lang natira dito..” Nagpalinga linga ako sa paligid at napagtantong kami na nga lang ni Shaina ang naiwan sa classroom. Tinaasan ko ito ng kilay ng maabutang may binabasa sa cellphone.     Busy. Hindi ako pinansin.     “Hoy! Ano ba ‘yan at di ka namamansin!”     Inagaw ko ang cellphone niya at tinignan ito.     “Hoy ano ba! Nagbabasa ako eh!”     “Tss. Nagbabasa ka ng story sa Dreame? Tatandang dalaga ka niyan. Yung tiyahin ko panay basa ng love story, ayun hindi na nakapag asawa. Alam mo sinong may kasalanan? Yung hilig niya sa kakabasa ng PHR books! Kakahanap ng perfect guy at spark. Lumagpas na sa kalendaryo, magme-menopause na nga di man lang nagka jowa sa sobrang choosy! Gusto mo ‘yorn?” Pinandilatan ko siya ng mata sabay ibinalik ang cellphone nito.     “Tiya mo ‘yon, ako nagbabasa lang pero di ako choosy. Tss.” Irap niya sakin. Nakita kong sinarado niya muna ang ilang apps na bukas bago nagligpit ng gamit.     “Asus..” Panunukso ko sa kanya.     “Tara na nga! Nagugutom na ko..” Tumayo na ito kaya nagsimula na kong maglakad.     “Hindi tayo sa canteen! Dun tayo sa gymnasium! Mabubuhay pa naman tayo kung di makakain ng tanghalian ngayong araw. Bilisan mo maglakad, ilang minutes na lang tapos na lunch break natin.” Nagmamadali kaming lumabas sa classroom.     Sa pathway palang rinig ko na ang ilang tili at hiyawan na nagmu-mula sa gymnasium. Pagpasok ay halos mabingi ako sa lakas ng cheer ng mga estudyante. Hindi pa ito ang official game pero kung magingay at magwala ang tao akala mo may awards na ang kung sino mang mananalo sa game na ‘to.     Kinawayan kami ni Denny, siya yung baklang classmate namin na kahit pa-paano ay kaibigan naman namin. Hindi ko na lang pinansin ang pag simangot ng grupo ni Mira ng dumaan kami sa harap nila para makapunta sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Denny.     “Sabi na nga ba friend! Lakas ng kutob ko na manunuod kayo! Buti nagreserved ako ng upuan!” Sigaw niya samin. Halos lamunin ang boses ni Denny sa lakas ng hiyawan sa gymnasium.   Umayos ako ng upo. Pasimula na ang third quarter ng laro. Lamang ang team ni Francis ng twelve points ayon sa scoreboard. Nakita kong tinapik si Francis ng kasama nito at itinuro ang banda ko. Bumaling siya sa pwesto namin habang kinakagat nito ang itim na wristband para ata ayusin.     Tumigil ito sa ginagawa. Kumindat siya bago tumalikod at humarap sa team. Lalo tuloy nagkagulo ang lahat at hinahanap kung sino ba ang kinindatan nito!     Bago ako mabuking syempre nakihanap din ako. Kunwari!     Buti itinuro ng schoolmate ko si Mira na malapit  lang din sa banda ko. Kaya sila tuloy ay halos maglupasay na sa kilig. Sa layo ba naman ni Francis samin, syempre sakop ng turo niya ang banda nila Mira. Kaya madaling naniwala ang iba.     Nagkatinginan kami ni Shaina matapos makitang pulang pula ang mukha ni Mira at itinutulak pa ng ibang classmates namin sa sobrang kilig. Natawa na lang kaming dalawa at napailing.                                                            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD