"MUKHANG may maganda kang balita, pinsan? Aba'y lumubog na ang inang araw ngunit mas maliwanag pa rito ang ngiting nakabalatay sa mukha mo." Pamumuna ni Matthew sa pinsan.
"Well, sa palagay ko ay alam ko na kung ano ang makapabagsak sa hay*p na iyon, pinsan. Kailanman ay hindi nagwagi ang killing plan natin. Supported din ni Grandpa ang kaibigan at nakalakhang ama kaya't hindi natin sila magalaw-galaw," ani Joseph na talaga namang hindi maipagkaila ang tuwang nakabalatay sa mukha.
"Huwag kang maingay, pinsan. Nagayuma na yata ng gag*ng iyon ang mga katulong. Dahil sa halos isang taon niya rito ay nasa panig na niya ang mga katulong. Kaya nga ang lakas-lakas ng loob niya eh." Kulang na lamang ay hilain ng binata ang kaharap.
Dahil totoo naman!
Wala pang isang taon simula sumama pauwi sa mansion ng matandang Mondragon si Bryce Luther ngunit nakuha na ang tiwala ng mga kasambahay, guwardiya at drivers. Kaya habang lumilipas ang mga araw ay mas sumisidhi ang damdamin ng mga pinsan at tiyuhin na maibagsak siya. Maliban na lamang sa bunsong tiyuhin na walang ipinagbago simula unang tapak niya sa mansion hanggang sa kasalukuyan.
"Hindi Diyos ang lintik na iyon, pinsan. Bakit mo siya kinakatakutan? Basta halika at may sasabihin ako sa iyo. Baka mahalikan mo pa sko oras na marinig mo," muli ay wika ni Joseph na hindi man lang pinansin ang babala ng pinsan.
Dahil ayaw din naman ni Matthew na may makarinig sa kanila ay may pagmamadali niya itong hinila palayo sa garden.
"ANO'NG sinabi mo, brother? Nakita mo na ang babaeng nagpapatibok ng puso mo? Ah, saglit lang. Bakit tumigil ba ito sa pagtibok? Hah! Huwag mo akong pinagluluko, Saavedra!" ismid ni Bryce sa matalik na kaibigan.
"Tsk! Tsk! Aba'y may buwanang dalaw ka ba, brother? Susme, bakit ba ang sungit-sungit mo ngayon? Ah, wala ka sigurong magawa ano?" Pang-aasar pa nito sa kaniya.
Subalit napahalukipkip lamang siya dahil sa tinuran nito. Alam na alam naman niya ang tinutukoy nito. Ngunit against na against siya dahil teenager ang babaeng tinutukoy nito. Aba'y mga lawyers sila at siguradong alam nito ang maaring kahantungan oras na patulan nito ang babae.
"Brother, walang masama sa umibig. Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Dahil kahit ipabulsa mo sa akin ang ilang babae ay wala akong pakialam sa kanila. Back to you, kung ang bubwit na iyon ang tinutukoy mo ay kalimutan mo na. Dahil kung maaga ka lang naglandi at nagpatalo sa libog ng iyong katawan ay anak mo na iyon. Turning thirty-one na tayo at kung hindi ako nagkakamali ay sixteen pa iyon. Geez! Gusto mong tawagin kang Papa-Uncle?!"
Mula sa seryosong pananalita niya ay napasimangot siya ng wala sa oras. Okay lang sana kung hindi menor de-edad ang babae. Kaso halos anak na nila eh. Magkasing-edad silang magkaibigan ibig sabihin ay ganoon din ang distansiya nila sa tinukoy nito.
"Brother, huwag mo munang ispin ang babae ko. Dahil kung hindi ako dinadaya ng guwapo kong mata ay namataan kong nakatingin kanina rito ang mga pinsan mo. For sure, may binabalak na naman sila laban sa iyo," nakangiwi nitong sambit.
"Hayaan mo sila, brother. Sila rin ang mahuhulog sa sarili nilang bitag. How about let's draft a trap for them?" aniya.
"Agree ako, brother. Pero mas maganda sana kung alam natin ang binabalak nila upang maging mas mabisa ang trap ba tinutukoy ko," sagot nito na pasimpleng napatingin sa daang tinahak ng mga ito.
"Brother, ako ang bahala. Aba'y hindi tayo mga lawyers at militars kung wala tayong nalalaman sa tactics and strategies. Pero maisagawa ko iyan sa tulong mo. Well, maaring nasa panig ko ang mga kasambahay ngunit mas maganda pa rin ang tayong dalawa ang gagawa," sabi niya.
Well, masasabi niyang mapagkatiwalaan ang mga katulong sa mansion. Ginawa niya sng lahat upang mapasunod ang mga ito. Subalit kagaya nang sinabi niya sa kaibigan ay walang masama sa mag-ingat.
KUNG ng youngsters ay mayroong plano laban sa panganay na apo ng mga Mondragon ay ganoon din ang second generation.
"Nalaman mo na ba ang nangyari sa conference room, Kuya?" bungad na tanong ni Manuel sa bagong dating na kapatid.
"D@mnit! Hindi ito puwede, Manuel! Tayo ang kasa-kasama ni Papa sa pagpalago ng kumpanya. It's either sa ating tatlo ang papalit sa kaniya. Not that son of a b!tch!" Ngitngit nito.
"Iyon na nga, Kuya. Kagaya natin ay iyan din ang sinabi ng mga kasama nating taga-BOD. Hindi ang outsider na iyon. Aba'y malay natin kung tunay nga bang Mondragon ang gag*ng iyon!" Kuyom ang kamao niyang naglakad-lakad.
Ngunit sa tinuran niyang iyon ay napatingin siya sa kapatid. Aba'y paanong hindi siya mapatingin dito samantalang basta na lamang itong napatawa.
"May nasabi ba akong nakakatawa, bro? Aba'y sa pagkakaalam ko naman ay wala. Ngunit ano ba ang problema mo at mukhang pinagtatawanan mo ako?" kunot-noo niyang tanong.
"Wrong, brother. Hindi ikaw ang pinagtatawanan ko kundi ang likaw ng bituka natin at ang kasamahan sa BOD. Ang linyahan mo ay walang ipinagkaiba sa linya nila. Kaya nga ako napatawa dahil walang nakaisip sa DNA test. Maaring totoong right hand man ni Papa ang Benjamin na iyon na kinalakhang ama ng hay*p na iyon. Ngunit walang nakakasigurado sa ating lahat. Tanging ang DNA test na iyan ang makapagpatunay---"
Kaso ang paliwanag na iyon ni Andrew ay naudlot dahil sa kalabog mula sa labas ng silid.
"Sino iyan?" sabayan nilang tanong saka napatakbo palabas upang alamin sana kung sino ang nasa labas.
Subalit ganoon na lamang ang inis nila dahil bukod sa bukas ang may kataasang bintana ay may pusa pang umakyat at nag-MEOW.
SAMANTALA halos sipain ni Bryce ang tiyuhing nakasalubong dahil bukod sa habol-habol nito ang hininga ay basta na lamang siya nitong hinablot papasok sa storage!
"F*ck! What the h&ll is your problem?" kaagad niyang tanong ng nasa loob na sila ng silid imbakan ng mansion.
Nasa last passage pa naman siya para sa bugs na pasimpleng ikinakabit sa bawat sulok ng mansion. Kaso hindi na niya natapos dahil iyong nga, ang tiyuhin niyang feeling close ay basta na lamang nanghahablot! Maihulog pa niya ito sa dungeon eh!
"Alam kong mahirap paniwalaan, Bryce. Ngunit wala akong kinalaman sa ginagawa ng mga kapatid ko at pinsan mo. Kaya mo ako nakasalubong ngayon dahil patalihis akong umalis sa harapan ng opisina nila Kuya Manuel at Kuya Andrew. Okay lang na makita nila ako dahil hindi sila maghihinala sa akin. Subalit napatakbo ako rito sa gawi mo nang nasulyapan kita. Dahil siguradong pag-iinitan at paghihinalaan ka na naman nila."
Habol-habol man nito ang hininga ngunit nagawa pa ring nagpaliwanag. Lantaran nga niya itong pinag-aralan kung nagsisinungalin o hindi.
'Did I misjudged this man in front of me, or he is deceiving me as well? Gusto ba niyang makipaglapit sa akin?' aniya sa isipan.
"Hindi ko sinasabing magtiwala ka sa akin, Bryce. Ngunit alam kong matalino kang tao. Both my brothers and nephews are plotting against you. Lawyer ka kaya't unahan mo sila at iyong idaan sa legal na paraan. Upang kahit magkabukuhan kayo ay wala kang binaling batas. Ayon sa aking narinig ay DNA raw kung tunay ka nga bang Mondragon. Iyan mag pinag-uusapan nina Kuya Manuel at Kuya Andrew. Samantalang ang mga pinsan mo ay hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ngunit mag-ingat ka sa mga babae. Dahil iyan ang naulinigan ko."
Pagpapatuloy nito dahil hindi siya kaagad nakasagot. Kaso sa binitiwan nitong salita ay napaismid siya.
"Puntahan mo silang lahat, Uncle. At ipaalam mo na wala akong pakialam sa kanila. Ah, mayroon pala, DNA ba? Kahit ngayon na namin isasagawa. Ngunit iyan ay mangyayari sa harapan nating lahat. Babae? Kahit ipabulsa pa nila sa akin ang ilang babae ay wala silang magagawa," aniya.
Kung siya lang ang masusunod ay talagang lulusubin niyang mag-isa ang mga lintik. Wala naman talaga siyang pakialam kahit sino sa mga ito lalo na pagdating sa pera dahil nayroon siyang trabaho. Ngunit lagi niyang iniisip ang bigger and brighter future.
Kaso!
Sa pagtayo niya ay aksidente niyang nasagi ang isang cabinet. Wala naman sanang problema kaso sa pagkasagi niya ay tumilapon ang lahat ng nasa loob nito. Subalit hindi iyon ang nakakuha sa kaniyang atensiyon kundi ang sumambulat sa paningin niya!