KABANATA 3: Ang Pagbagsak ng Leon
Eliesse
Nanigas ang buong paligid nang lumabas si Zavier Castellano mula sa anino ng mahabang pasilyo ng hotel. Ang bawat hakbang ng kanyang mamahaling sapatos sa makapal na karpet ay walang tunog, pero bawat paggalaw niya ay may dalang kakaibang kapangyarihan. Kung si Romano ay may taglay na mapanganib at nakakahalagang mukha na may magaspang na stubble, si Zavier naman ang depinisyon ng isang taong hindi mo kayang tignan nang diretso sa mga mata nang hindi ka nanginginig. Sa paningin ko, it was like looking at the king of the jungle himself. He doesn’t look like a monster, in fact, he is incredibly handsome.
"F-Father..." Romano stammered again, his face draining of all its color.
Ang kanang kamay niya na humawak sa akin kanina nang napakahigpit ay unti-unti nang bumababa sa gilid niya, nanginginig at tila hindi alam kung saan ilalagay.
Hindi sumagot si Zavier. He simply stopped walking a few feet away from us. He stood tall, adjusting the cuffs of his flawless charcoal suit with an eerie calmness. Pero ang kanyang madidilim at malamig na mga mata ay nakatitig nang diretso sa anak niya. I could feel the invisible wall between them, a barrier of fear and submission.
"I asked you a question, Romano," Zavier’s voice was smooth, deep, and soft.
Hindi niya kailangang sumigaw para iparamdam kung gaano kalaki ang kanyang awtoridad. Mas nakakatakot pa nga siya kapag walang imik.
"Is that how I raised you to treat a lady?"
"No-No, Father... I—I didn't know," Romano quickly said, stepping backward, his broad shoulders suddenly slumping.
The drop-dead gorgeous campus heartthrob who looked so commanding earlier was now to a terrified boy, "I didn't mean to—"
"You didn't know?" Zavier cut him off smoothly, taking one sharp step forward.
Sa isang mabilis at hindi inaasahang pagkakataon, bago pa man makatapos si Romano sa kanyang sasabihin, itinaas ni Zavier ang kanyang kamay at isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ng kanyang anak.
I gasped. Napatakip ako sa bibig.
Ang tunog ng palad ni Zavier na tumama sa mukha ni Romano ay umalingawngaw sa buong bakanteng hallway ng hotel. Sobrang lakas no’n na napihit ang ulo ni Romano sa kaliwa, at ang kanyang bangs na dark ay natakpan ang kanyang mga mata. Sa lakas ng sapak, napaluhod si Romano sa isang tuhod sa sahig, hawak-hawak ang kanyang nasaktang pisngi na mabilis na namula.
Napaatras ako ng isang hakbang, nabigla sa nakita ko. Hindi ko inasahan na magagawa iyon ni Zavier sa sarili niyang anak sa gitna ng isang pampublikong pasilyo.
"Dad..." Romano said, his voice cracking from both physical pain and humiliation. He looked up, his breathing erratic, his dark eyes filled with shock, "You... you slapped me? Because of her?"
"Because of her?" Zavier looked down at him, his expression completely unbothered, as if he had just swatted a fly.
He slowly reached into his suit’s pocket, pulled out a silk handkerchief, and casually wiped his palm, as if touching Romano had made his hand dirty, "She is not just anyone, Romano. Have you forgotten the announcement I made a month ago?"
Napakunot ang noo ni Romano habang nakaluhod pa rin sa sahig. Napatingala ito sa ama.
"The announcement? You mean... the contract marriage? The one with the old—"
Biglang natigil si Romano sa pagsasalita. Tila ba may isang malaking piraso ng puzzle ang biglang pumasok sa utak niya. Dahan-dahang inilipat ni Romano ang kanyang tingin mula sa kanyang ama papunta sa akin. Ang mga mata niya na kanina lang ay puno ng mapang-asar na malisya ay nanlaki sa matinding gulat at takot.
Ang bibig niya ay bahagyang bumukas, pero walang salita na lumabas doon sa loob ng ilang segundo.
"No..." Romano whispered, shaking his head in disbelief, "No, that’s impossible. You... she’s getting married to... to you?"
"Yes, Romano," Zavier replied, his voice colder than ice, "Anneliesse Sarmiento is my fiancée. She is the woman who will soon carry the Castellano name as my wife. Which means, the woman you just disrespected, the woman you held so aggressively, is your future stepmother."
Kulang ang salitang parang papanawan ng ulirat ang mayabang na si Romano.
Ang bawat salita ni Zavier ay parang isang matalim na palaso na sumasaksak sa pride at pagkatao ng lalaki. Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang panga ni Romano habang nakatitig sa akin. Ang mukha niya ay naging halu-halong emosyon, gulat, kahihiyan, pandidiri, at higit sa lahat, ang matinding takot. Akala niya kanina ay nahanap ko lang ang isang matandang sugar daddy sa kung saan para itago ang kahihiyan ko. Hindi niya naisip, kahit sa pinakamalala niyang panaginip, na ang mismong ama niya na nagmamay-ari ng buong siyudad ang lalaking tinutukoy sa balita.
"But D-Dad—"
"I told you to leave," Zavier interrupted, "Get out of my sight before I lose my patience completely."
Romano looked at his father, knowing that any further argument would mean his total destruction. Na-realize niya na wala siyang laban. He looked at me one last time, his eyes filled with a mixture of burning hatred and defeat, bago siya mabilis na tumalikod. Halos madapa siya sa kanyang pagmamadali na makalayo sa ama niya.
Nang tuluyang mawala si Romano sa paningin namin, bumalik ang nakakabinging katahimikan sa pasilyo.
Naiwan akong mag-isa kasama ang lalaking ito. I stood here, clenching my fists on the sides of my gown, my breathing slightly fast. Napalunok ako. Nakita ko kung paano niya pinarusahan ang anak niya, at sa isang banda, dapat sana ay natutuwa ako dahil nakaganti ako sa taong sumira sa akin. Dapat sana ay napawi ang galit ko nang makita ko si Romano na lumuluhod at natatakot, but I was not happy.
I looked at Zavier Castellano, and all I felt was a cold, deep uneasiness. Ang lalaking ito ay hindi bayani na dumating para iligtas ang isang api. He was a monster who just disciplined his cub because the cub touched his property. At ang property na iyon ay ako.
Dahan-dahang lumingon si Zavier sa akin. Ipinasok niya muli ang kanyang panyo sa bulsa ng kanyang suit at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Ang kanyang paningin ay mapanuri, tila ba tinitingnan niya kung may diperensya o dumi ang mamahalin niyang pag-aari.
"Are you hurt, Anneliesse?" tanong niya, ang boses niya ay bumalik sa pagiging pormal at malamig na tono.
"I'm fine, Mr. Castellano," sagot ko, pilit kong pinanatili ang distansya at pormalidad sa pagitan namin.
I didn't call him my fiancé, at lalong hindi ko siya tinawag sa pangalan niya.
"Good," he said, taking a step toward me, "My men reported that you wished to attend this event. I allowed it because I expected you to behave like a proper Castellano fiancée. I did not expect you to sneak out into hallways with my son."
Ang paratang niya ay agad na nagpataas ng dugo ko. I looked up, meeting his dark eyes with a glare, "I did not sneak out with him. He cornered me inside the ballroom, and when I chose to walk away, he followed me here and grabbed my arm. You can ask your security if you don't believe me."
Zavier’s lips curved into a very faint, almost unnoticeable smile. It wasn't a smile of kindness, but a smile of amusement.
"I know. My men already told me everything before I walked in. I am simply testing your composure, Anneliesse."
"Testing me?" I asked, my voice rising a bit, "For what? Is this whole arrangement just a game to you?"
"Everything in my life is business, Anneliesse. And right now, you are a very important part of that business," sabi niya, habang lumalapit pa siya ng isa pang hakbang, sobrang lapit niya na amoy ko na ang kanyang hininga.
"You signed the documents that Marcelo brought you. You accepted the title. That means you are no longer just a victim of a campus scandal. You represent me now."
"I only signed those papers to protect my parents," matigas kong pabalik na sabi, "Huwag mong isipin na ginagawa ko ito dahil gusto kita, o dahil natutuwa akong makasama sa pamilya niyo. I hate your son, and honestly, I don't trust you either."
"I don't need your trust, and I certainly don't need your affection," Zavier replied smoothly, his tone completely unaffected by my harsh words.
He reached out his hand, and for a second, ginusto kong umiwas, pero nanatili akong matatag. He gently touched the fabric of my gown near my shoulder, fixing a small crease. His fingers were warm, but his touch felt like iron.
"What I need from you is your cooperation. You will smile when I tell you to smile, and you will stand by my side when I require your presence. In exchange, your parents will continue to live their peaceful lives, and your name will remain untouched."
Naramdaman ko ang pagpipigil ko ng sarili kong hininga habang nakatitig sa kanya. Si Zavier ay nasa ibang bansa ng isang buwan, at sa loob ng buwan na iyon, nakaramdam ako ng kaunting kapanatagan sa loob ng kanyang mansyon pero ngayon na narito na siya sa harap ko, napagtanto ko na ang totoong laro ay nagsisimula pa lang. Ang kanyang pagbabalik ay nagpapatunay na ang 'forced protection' na tinatamasa ko ay isang malaking kontrata na may malaking kapalit.
"Why are you doing this, Mr. Castellano?" sa wakas ay naitanong ko ang tanong na isang buwan ko nang iniisip, "Kung gusto mo lang parusahan si Romano o linisin ang pangalan ng pamilya ko, marami namang ibang paraan. Pwede mo akong bayaran, o kaya ay ipadala ako sa ibang bansa nang tahimik. Why do you have to use your own name? Why make me your fiancée?"
Tumingin si Zavier sa akin ng matagal. Ang kanyang mga mata ay parang isang malalim na balon na walang sinuman ang pwedeng makakita ng ilalim. He dropped his hand from my shoulder and turned around, looking at the empty hallway.
"Because a dynamic is changing in this city, Anneliesse," he said, his voice cold and analytical, "My political enemies are watching my every move. They thought Romano's scandal would give them the ammunition to destroy my public reputation before the next elections. By making you my fiancée, I turned a chaotic scandal into a story of protection and power. I showed them that no one can touch what is mine. You are the perfect shield, and at the same time, the perfect lesson for my son."
Lumingon siyang muli sa akin, ang kanyang mukha ay seryoso, "You wanted to survive, didn't you? This is how you survive in my world. You become the predator's mate so the other beasts won't dare to bite you."
I swallowed hard, realization hitting me like a cold wave. Hindi lang ito tungkol sa akin, sa aking mga magulang, o kay Romano. Ito ay isang malaking laro ng kapangyarihan at politika sa mataas na lipunan, at ako ang napiling baraha ni Zavier para manalo sa larong iyon.
"Now," Zavier said, extending his arm toward me, inviting me to take it, "The event inside is coming to an end. It is time for us to leave. The media is waiting outside the hotel, and they need to see the happy couple."
Tiningnan ko ang kanyang braso na nakalahad sa harap ko. Ang bawat bahagi ng katawan ko ay gustong tumakbo paalis, gustong sumunod kay Romano sa pagtakbo palabas ng hotel na ito. I wanted my old life back. I wanted my simple family and my simple classes, pero alam ko na wala na akong pwedeng balikan. Ang pagpirma ko sa kasunduan isang buwan na ang nakalipas ang tuluyang nagsara ng pinto sa nakaraan ko.
Huminga ako nang malalim, pinalakas ang aking loob, at dahan-dahan kong ipinasok ang aking kamay sa kanyang braso. I held his arm, feeling the solid muscle beneath his suit.
Itinaas ko ang noo ko kahit na labag sa kalooban ko.
"Good girl," Zavier whispered, his voice dangerously close to my ear as we began to walk together toward the exit, “Let’s go home, mistress."
Habang naglalakad kami papunta sa labasan ng hotel, naramdaman ko ang pagbabago sa sarili ko. Hindi ako masaya na makita ang lalaking ito, pero alam ko na simula sa gabing ito, kailangan kong maging matatag. Kung gagamitin niya ako bilang kalasag, gagamitin ko rin ang pangalan niya para masigurong walang sinuman ang muling makakatapak sa akin lalo sa mga magulang ko.