"Ashlene, gumising ka na please? Gusto ko na ulit na makasama ka, Hon.” Buong puso na binabantayan na naman ni Jonathan ang kanyang asawa, ang tunay niyang asawa, ang totoong mahal niyang asawa. Halos hindi niya ito maiwanan, ni kumain ay nakakaligtaan na niya. “Pare, ano iyong itinawag mo? Are you really serious?” Dumating si Gomer na hindi niya inaasahan. Humahangos ang kanyang kaibigan. Kanina ay tinawagan niya kasi ito para sa naging desisyon niya. Ang ibenta ang shares niya sa negosyo nila. “Huminahon ka muna,” aniya sa kaibigan. Napasuklay sa sariling buhok si Gomer. “Paano ako hihinahon gayong alam ko kung gaano kahalaga sa iyo ang Armor Auto Buy and Sell tapo bibitawan mo lang? Baka naguguluhan ka lang. Pag-isipan mo muna.” “Pare, nakadesisyon na ako. Ibebenta ko na ang shar

