Naramdaman ni Marjorie ang akbay sa kanya ni Kuya Jonathan niya. Pinapalakas nito ang kalooban niya. Pagkatapos kasi nilang mag-usap tungkol sa mga nangyari ay humingi siya ng favor sa Kuya Jonathan niya na kung maaari ay gusto sana niyang makita ang kapatid. Kahit ganoon ang Ate JL niya ay nag-aalala pa rin siya sa kondisyon nito na sunog daw ang mukha. Tingin niya ay ang kapatid naman niya ngayon ang nangangailangan sa kanya. Laking pasalamat niya dahil pinagbigyan naman siya agad ng Kuya Jonathan niya. Huwag lang daw siyang mabibigla kapag makikita niya ang Ate JL niya dahil ibang-iba na nga raw talaga ang mukha nito ngayon. “Kuya, alam na ba ito ni Nanay namin? Nakita na ba siya?” tanong niya para mapigil saglit ang pagpasok nila. Nasa harapan pa lang sila ng pinto ng silid ni Baby

