Ginhawang-ginhawa si Jonathan nang ipabatid sa kanya na puwede niyang salinan ng dugo si Baby Zia. Compatible raw sila ng dugo ng kanyang anak. Mas minahal pa niya tuloy ang sanggol ngayon dahil totoong dugo at laman nga niya ang anak. Ang totoo kasi ay kahit positive noon ang paternal test nila ni Baby Zia ay may pagdududa pa rin siya. Knowing JL, gagawin lahat nito ang paraan makuha lang ang loob niya. “JL, alam kong simula ipinanganak mo ang anak natin ay nag-iba na ang pagtingin mo sa kanya sa hindi ko alam na dahilan. But please, kailangan ka ngayon ng anak natin. Buhay na ng bata ang nakasalalay rito at ikaw na lang bilang ina niya ang makakatulong din sa kanya if ever mangailangan ulit siya ng dugo. Sana naman maging ina ka sa kanya kahit ngayon lang ulit,” nagsusumamo na sabi ni

