"Sabing sino ka?! Sagot!” madiing ulit na tanong ni Jonathan kay Ashlene sabay dikwat sa braso nito. “Ano ba, Jonathan! Nasasaktan ako!” Mangiyak-ngiyak si Ashlene. Ang kaba sa dibdib niya ay halos marinig na niya. Naglalaban ang mga masamang tingin nila ni Jonathan. “Ano ‘yung mga narinig ko?! Sino ‘yong tinawagan mo?! At anong JL na tinutukoy mo na pababalikan mo rito kamo?” sunod-sunod na tanong pa sa kanya ng asawa. Nagliliyab sa galit ang mga mata nito. “So, tama ang hinala ko ganoon ba? That you are not JL?” Hindi sumagot si Ashlene. Lumuluha lang siya na napapangiwi. “Kung hindi ikaw si JL ay sino ka?! Who the hell are you?!” mas malakas at madiin na bulyaw na ni Jonathan sa kanya. Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. “Aray ko, Jonathan!” angal niya ulit na nap

