"Kayo po ba ang asawa ng naaksidente?” tanong agad ng isang pulis kay Jonathan nang dumating siya sa Quirino Hospital. “’Yung Ashlene Zamora Villasera po ba?” “Yes, Sir?” “O-opo, ako nga po, Boss. Ako po si Jonathan Villasera. Ako ang tinawagan niyo kanina,” may alinlangan pa na sagot niya. Tumango-tango ang pulis. “Kasalukuyang nasa ICU pa rin po siya ngayon.” “Ano po bang nangyari, Boss? Kumusta ang asawa ko?” “Bumangga po ang sasakyan niya sa isang bus. Grabe ang nangyari sa kanya buti nakaligtas pa. Masasabi nga naming himala na nabuhay pa siya.” Napahimas sa sariling batok si Jonathan. Kung ano ang kanyang nararamdaman ay hindi na niya mailarawan. Parang hindi na siya makahinga sa mga nangyayari. Una ay ang anak niya tapos ngayon naman ay ang asawa niya ang nag-aagaw buhay. Ano

