"Ito na po ang mga ticket natin. Buti nakahabol pa tayo sa last flight,” si Darren. Nakabihis at naka-ready na rin pauwi ng Pilipinas tulad nina Marjorie at Aling Marcelina. “Salamat, Darren.” Kinuha ni Marjorie ang ticket nila ni Aling Marcelina at inilagay muna sa bag. Siya ang tumawag kay Darren. Magpapaalam lang sana siya sa binata na uuwi na sila sa Pilipinas subalit sumama na ito sa kanila nang malaman ang dahilan nila bakit sila biglaan na uuwi. Umupo si Darren sa tabi niya. Hinagud-hagod siya nito sa likod. Hindi kasi sila mapakali. Alalang-alala sila ni Aling Marcelina para kay Ashlene. “Tumawag ka ba ulit kay Jonathan, Marjorie?” tanong ni Aling Marcelina sa kanya na kabadong-kabado para sa anak. “Opo, pero hindi na po sila matawagan,” malungkot na sagot niya. “Sinubukan ko

