Kampanteng-kampante si JL na nakaupo malapit sa kamang pinaghigaan niya sa walang malay na si Jonathan. Nakangisi rin siya habang hawak ang wine glass. Umiinom siya dahil nagdidiwang ang puso niya. Nagsi-celebrate siya dahil sa wakas ay wala na si Ashlene. Wala na ang bangkay na iyon. Finally, siya na ang Misis Villasera. Siya na ang asawa. Pag-aari na na niya nang tuluyan si Jonathan. Salamat sa bobong Darren na 'yon. Kung pwede nga lang ay gusto niya iyon bigyan ng award. Medalya, trophy, or cash para sa katangahan nito. Malademonyo siyang tumawa sa naisip. Pagkatapos ay sumimsim siya ng alak bago pa-sexy na tumayo. Nilapitan niya si Jonathan. Umupo siya sa gilid ng kama at masuyong hinawakan ng free hand niya ang guwapong mukha pa rin ni Jonathan kahit may pasa ito at putok ang gi

