Caden “WHAT about Gabrielle, babe, or Estelle?” Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin makapili ng pangalan si Sunshine para sa baby namin. Hindi pa namin alam ang gender kaya nahihirapan din ako pero malakas daw ang kutob ng asawa ko na babae ang dinadala niya. Mom has a hunch also that it is a girl too. Marami na rin nagsasabi na iyon ang hula nila na hindi ko naman pinaniniwalaan. I prefer to rely on science than hunches. Second chance na namin ito ni Sunshine kaya hindi na ako susugal sa hula-hula lang kahit para sa asawa ko, mas OA pa ako kaysa sa kanya. “Are you really sure that our little buddy here is a girl?” tanong ko matapos isara ang librong binabasa. It’s weekend and we decided to stay at home instead of going out. Lumabas naman kami kaninang umaga para makapaglakad-laka