Sunshine CADEN and I was invited to Del Rosario-Carreon Nuptial today. Simple lang kasal at pili lamang mga imbitado ngayon. Hindi ko pa natatanong si Caden kung paano siya naging associated sa mga Morales at Altamirano. Si Mike ang pediatrician ni Mace kaya kakilala namin siya at nakakausap ko na rin kung minsan si Devonne. Affiliated kasi ang ad agency niya sa Acceron matapos nila pumirma sa partnership contract noong nakaraang buwan. “Paano kayo naging mutual friends ni Alfred at Sixto?” tanong kay Caden nang makalabas ako sa banyo. Nagpatuyo ang buhok at doon na rin nagbihis ng damit pantulog. Nasa hotel pa kami kung saan ginanap ang kasal ni Doc Mike at Devonne at bukas pa kami nagbabalak na umuwi pa-Quezon. Tulog na sa kama si Mace na yakap-yakap iyong manika na bigay ni Marco sa k