Sunshine “SHAINA?” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko nang sabihin ni Caden sa akin na nag-usap sila ni Shaina sa Palawan at gusto nga ako makita bago umalis pabalik ng Thailand. Pero hindi iyon ang kinaiinis ko. Ayos lang sa akin na kausapin si Shaina, ang hindi ayos sa akin ay iyong ‘di pagsasabi ni Caden na nag-usap silang dalawa. “It’s okay. I can talk to her alone.” Umayos ng upo si Caden at pumihit paharap sa akin. “Alone?” Ulit niya sa sinabi ko. Tumango ako at hindi na siya nagpatuloy sa pagkain. “Are you mad at me?” “Why would I be mad at you?” “You tell me the answer, babe.” Huminga ako nang malalim. Parang noong nakaraan lang ay ganito kaming dalawa pero iba naman ang topic noon sa ngayon. Seryoso na ito ngayon at nangako kami sa isa’t-isa na walang lihiman. Humalukipkip