Mabilis na hinuli ni Jeremy ang mga labi ng asawang pinanabikan. Hindi ito natugon bagkus ay kinagat siya nito dahilan upang mapabitaw siya rito at nang makawala ito ay isang malakas na sampal ang binigay nito sa kanya. "How dare you," anito sa kanya. Naniningkit ang mga mata nito. Nang akma niya itong hahawakan muli ay lumayo ito sa kanya. "Don't dare touching me!" Banta nito saka mabibilis ang mga hakbang papalayo sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang naiwang natitigilan at sundan na lamang ito nang tingin. Ibang iba na ang kanyang asawa. Hindi na ito ang dating Georgina na laging nahabol sa kanya. Ayaw niyang dumating ang araw na tuluyan na itong lumayo sa kanya kaya sinundan niya ito sa bahay ng daddy nito. "Nandiyan na ba ang senyorita mo?," tanong sa kasambahay na nagbukas ng

