Akala ko hindi niya magagawa. Pero akala ko lang pala lahat iyon. Hindi pa nag aalas sais ay nasa merkado na iyon. Hindi ko alam kung bakit determinado siyang magtrabaho dito sa hacienda. Marami akong gustong itanong sa kanya. Kasabay ng pag alis ko ng Manila ay ang paglimot ko na din sana ng sakit. Pero pareho ng dati. Nalalaman niya pa din kung saan ako. Nagtaka ako kanina kung bakit hindi man lang tumutol ang tita Magda sa pagsundo sa akin ni Clinton. Magiliw niya pa akong pinagtabuyan at binigyan ng pagkain. Kung hindi ko lang ‘sya tita mag dudoda na ako. Malakas ang ulan sa labas. Pagka dating namin kanina ay siya namang bagsak ng ulan. Sinuwerte kami dahil hindi kami nabasa ng ulan. Yakap yakap ang kumot sa hubad kong katawan . Nakatalikod kay Clinton habang siya ay nakayak