Inaantok ako habang nakikinig sa aming teacher. Alas onse na nang tanghali at mamaya ay lunch break na namin. Patago kong kinapa ang aking cellphone. Tinago ko iyon sa likod ng silya sa harap ko para hindi makita. Nagtipa ako ng text para may Clinton. To Clinton: Hi! Puwedeng humingi ng pabor? Maya maya pa ay agad itong nagreply. From Clinton: Hello baby,what is it? Napangisi ako at nagtipa ulit at tiningnan ang guro sa harap na hindi ako nakita. To Clinton: Lunch break na mamaya.Gusto ko ng pizza yung maraming cheese pero walang pineapple at mushrom Umilaw ulit ang cellphone ko sa isang text at binasa ko iyon. From Clinton: A peace of cake baby pero nasa meeting pa ako. Uminit ang ulo ko dahil nag dismissed na ang guro at nagsitayuan na ang iba dahil mag lalunch na. Gutom na