Nakakabingi ang mga hiyawan ng mga studyante dito sa malawak na gym ng HMU. Kasalukuyan nagrarampahan ang mga naka two piece ang mga kandidata sa stage. Bawat kurso ay may mga pambato. Dahil nga si Clinton ay pinsan ni Sebe , swerte kami dahil may nakalaan pa na upuan para sa amin sa harapan mismo ng stage sa likod lamang ng mga judges ng iba't ibang Unibersidad. "Grabe ang ganda ni Victoria!" Mangha kong sabi. Tourism yung kurso niya. Her porcelain skin really suit with her black two piece. Naghihiyawan ang mga studyante sa pangalan ng kani kanilang pambato. Clinton just put his chin on my shoulder. Nang lingunin ko siya ay nakanguso lang siya sa akin at hinahawi ang hibla ng buhok ko.Binalik ko ang tingin sa stage at naramdaman ang braso niyang yumakap na sa akin. Parang wala siyang