Chapter 7 "We're here" Napalunok ako ng sunod sunod nang makarating kami ni Kiel sa indoor parking lot ng isang napakalaking building. Narito daw ang condo unit nito. Pakanta-kanta pa ako kanina habang nasa biyahe kami. Nabuhayan kasi ako ng loob eh. Nagkaroon ako ng pag-asa na magagawa ko na ng maayos ang misyon ko. Ngunit nang maalala kong wala akong dalang hidden camera at lowbat pa ang cellphone ko! Paano ko marerecord ang kahit anong kaganapan sa pagitan namin ni Kiel?! Kapag minamalas ka nga naman oh! Magandang oportunidad na sana ito! Maaari kong akitin ng husto si Kiel sa condo unit niya dahil kaming dalawa lang raw ang naroon mamaya. Wala daw kasi siyang ibang kasama sa condo niya. He lives alone in his condo unit. "Hey? May plano ka pa bang bumaba diyan?" Kinatok ni Kiel