Chapter 30 Pagkalabas ko ng private office ni Sir Dalton para bang may malaking desisyon akong kailangang gawin Binigyan muna ako ng isang araw ni Sir Dalton na pag-isipan ko ang kanyang inaalok na sikretong pekeng relasyon namin. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Malaking halaga ang dalawang milyon upang mabayaran ko na ang isang milyon na ibinigay ni madam sakin noon, at higit sa lahat hindi ko na kailangan pang ibigay sakanya ang s3x scandal namin ni Kiel. At ang matitirang isang milyon naman ay magagamit ko sa patuloy na pangangailangan at gamutan ni nanay Cora. Pero paano naman si Kiel? Kapag nalaman niyang nobyo ko si Sir Dalton baka magalit yun sakin. Baka isipin niya pinagsabay ko sila. Napapalunok ako habang lumalakad ako patungo sa employees room ng restaurant para s