Chapter 16 "Good afternoon Mrs.Carolina" Magalang na pagbati ko kay madam nang makapasok ako sa hotel room kung saan niya ako pinapunta Nakadekwatro siya sa malaking sofa habang umiinom ng red wine sa isang kopita. Dahan dahan niyang inilapag ang kopita sa babasagin na lamesa sa kanyang harapan "Please sit down" Napalunok muna ako bago ako umupo sa pang-isahang sofa na katapat mismo ni madam. Saglit ko pang tinignan ang babaeng kasama ni madam sa kwartong iyon. Mukhang nerd ang babae at sa tingin ko siya ang secretary ni Mrs.Carolina. Mayroon siyang laptop na nasa kandungan niya. Dalawang araw mula nang makipagtalik ako sa asawa niya, tinext ko si madam na mayroon na akong recording. "Let me see the video" Maaliwalas ang kanyang mukha nang iabot ko sakanya ang usb Hindi ko mapigil