Chapter 14 "K-Kaunting kape lang sakin.." Tinignan ako ni Kiel bago siya napangiti. "Bakit parang nahihiya ka yata sakin?" Tanong niya habang nagtitimpla siya ng kape para sa aming dalawa. Nakaupo ako sa sofa habang nasa di kalayuan si Kiel. Naroon siya sa bandang kinalalagyan ng coffee machine. Palingon lingon siya sakin habang nagtitimpla siya. Hindi ko nga alam kung ano yung ginagawa niya eh. Para kasing nagdesesign pa siya ng kape gamit yung milk creamer. Nag-iwas ako ng tingin sakanya. Sino ba namang hindi mahihiya? Pagkatapos naming maglampungan kagabi at magpakasawa sa sarap, sino kayang hindi mahihiya kapag naaalala iyon? Ito lang yata ang hindi apektado sa namagitan samin kagabi eh. Pero ako, damang dama ko pa ang kirot at pamamaga ng p********e ko. Kaya't malinaw na malinaw