KABANATA 4:
NANATILI akong tahimik habang nasa harap ng hapag-kainan. Ramdam ang tensyon sa paligid pero kung titignan si Lolo ay parang akala mo walang ganoong nangyayari. Nakangiti lang siy at aliw habang pinagmamasdan kami... lalo na sa akin.
Kanina akala ko pati sila Kuya Nolan ay makikisali sa pag-i-interrogate sa kay Emil pero hindi naman pala. Matapos kaming tignan ay bumaling na sila sa TV. Ngayon, salo-salo kami sa pagkain. Bihira lang ito mangyari at ang bago? Kasama namin si Emil.
Sa unang pagkakataon nakasama ko siyang kumain ng hapunan. Sa harap nila. Sa harap ni Lolo at ng mga pinsan ko. Halo-halo ang aking emosyon. Ninanamnam ko pa iyong pakiramdam na dati kasi iniisip ko lang ito. Ini-imagine ko. Kami ni Emil... pinapangarap namin. Tapos ngayon nangyayari na. Ang sarap sa feeling na wala na kami sa stage na hindi na kami nagtatago sa kanila.
Wala na kaming ibang iniisip kundi sarili lang namin. Hindi ko na inintindi kung mukha ba akong malandi sa lagay na 'to dahil kakahiwalay lang namin ni Philip at si Emil ay hindi pa totally hiwalay sa girlfriend niya. Alam kong mali. Pero... alam kong hindi ko kaya na itulak siyang muli ipalayo dahil ang tagal kong nagtiis. Ang tagal kong nasaktan. Siguro naman, karapatan ko ding sumaya. Nagkataon lang na mali iyong simula ng second chance naming dalawa dahil may banta ni Lolo.
Walang gustong magsalita tungkol sa pananaw nila sa desisyon ni Lolo. Aminado kaming lahat na bawal kay Lolo ang ma-stress dahil sa katandaan nito. Hindi maipinta ang mukha ni Kuya Jack at matalim ang tingin sa amin sa tuwing napapatingin. Hindi pa din kumbinsido na seryoso si Emil sa akin samantalang ang tatlo ay tila wala namang kakaibang reaksyon.
"Gusto kong pag-usapan natin ang tungkol sa kasal niyong dalawa pagkabalik niyo galing palawan," sabi ni Lolo.
Nabitin sa ere ang hawak kong kutsara at marahang ibinaba. Napatingin ako kay Emil na tumango sa sinabi ni Lolo.
"Walang problema, Senyor."
"Lolo, masyado naman yatang maaga at bata pa si Geselle para ipakasal mo? Isa pa, may sabit pa si Emil," sabat ni Kuya Jack kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.
Umungol si Lolo sa iritasyon at binigyan ng matalim na tingin si Kuya Jack. Lahat kami ay natagilan. Hinawakan ni Emil ang kaliwa kong kamay sa ilalim ng lamesa at marahang pinisil.
"Don't get involved. Just keep your opinion to yourself. Nag-usap na kami at nangako siya sa akin. I'll give this man a chance. Ngayon, hahayaan ko ko sila..." pabitin ni Lolo sabay tingin sa amin.
"What should I do? Nahuli ko na silang dalawa. Pananagutan ni Emil ang ginawa niya kay Geselle. I don't care about any third party. Kayang gawan ng paraan 'yan. Pero ang magbunga ang ginawa nilang dalawa. Mahirap 'yatang pigilan 'yan. Also, I just want to see my granddaughter to be happy..." sabi ni Lolo.
Napabaling tuloy ako ng wala sa oras sa kanya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa pahayag ni Lolo. Ngumiti si Lolo gamit ang malamlam na mga mata.
"O, huwag mo kong iyakan apo. Bueno, tama na 'yan. Ayoko ng makarinig ng kung anumang pagtutol sa desisyon kong ito. Habang buhay ako, ako pa din ang batas dito sa mansion," matapang na pahayag ni Lolo.
Napayuko ako para itago ang pangingilid ng luha. Pasimple kong pinunasan iyon dahil nakakahiya. Nanahimik si Kuya Jack at ang tanging maririnig lang sa hapag-kainan ay ang tunog ng mga kutsara.
Nagpaalam na ang mga pinsan ko matapos ng hapunan. Nilapitan ako ni Kuya Charles habang nakangisi.
"Talagang dalaga ka na. Hindi ko pa nga nakikita ang isa. Nasa pangalawa ka na." Natatawang biro ni Kuya Charles.
Sinimangutan ko siya sabay sulyap kay Emil na kinakausap ni Kuya Landon ng masinsinan.
"We have to leave. See you soon..." balak pang guluhin ni Kuya Nolan ang buhok ko pero mabilis kong iniwas iyon. He chuckled at my reaction.
Niyakap ako ng mahigpit ni Kuya Charles bago lumabas. Marahang lumapit si Kuya Jack sa akin. Napabuntong-hininga. Mariin kong kinagat ang ibabang labi. Naiinis ako kung paano sila mangialam sa lahat ng desisyon ko at sa buhay ko. Alam ko ang dahilan pero dahil hindi ko gusto ang ginagawa nila. Sarado ang isip ko para doon. Pero habang lumilipas ang panahon. Mas naiintindihan ko na talagang mahal lang nila ako.
Sa oras naman ng pagkadapa. Pamilya ko lang din ang tatakbuhan ko bukod sa mga kaibigan ko.
"Seryoso ka ba talaga tungkol dito?" iyon agad ang bungad niya.
"Kuya..." babala ko sa kanya dahil nagsisimula na naman siya.
"Alright. I'm not going to cross the line unless Emil broke your heart again. You are our little sister, Geselle. Forgive me for being an overprotective Kuya. I just want to make sure you're not making any impulsive decisions, but I guess—I should trust you now since you are old enough to decide on your own. Siguro nga talagang mahal mo siya at sana nga totohanin niya lahat ng pangako niya sa'yo. Lolo is right. I will give him a chance to prove if he's worthy of you. If you need someone to talk to—I'm all ears." Niyakap niya akong mahigpit.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil bihirang-bihira kami mag-usap ni Kuya Jack ng ganitong seryoso. Iyong tungkol sa pag-ibig at desisyon ko sa buhay. Pakiramdam ko nakuha ko iyong matagal ko ng gusto. Iyong tingin nila sa akin na kaya ko naman na talaga kasi matanda na ako. Na hindi na ako iyong babae na kada kibot ay kailangan naka-base sa desisyon nilang lahat.
Matapos magpaalam ni Kuya Landon ay tuluyan na silang lahat umalis. Tsaka nagsalita si Lolo.
"You can sleep here," sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Emil. Gulat na gulat ako na nakukuhang i-offer ni Lolo ang mansion para kay Emil!
"Uhh—" sabi ni Emil ngunit pinutol agad ni Lolo ang kanyang sasabihin.
"I have no issue with you sleeping in our mansion. Narinig mo naman kanina ang sinabi ko, hindi ba? Anong purpose ng paghihigpit ko kung naka-isa ka na sa apo ko?"
"Lolo!" I panicked. Gulantang ako sa binitiwan nitong salita. Napa-iling na lang si Lolo at inismiran ako. Napakamot sa ulo si Emil. Maski yata siya nahihiya na parang pinagduduldulan ni Lolo na may nangyari sa aming dalawa.
Tinalikuran niya kami at sumenyas kay Nurse Gi na lumapit. Marahang umupo si Lolo sa wheel chair.
"Sa kwarto ko siya matutulog, Lo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nilingon niya ako at kumunot ang noo.
"Hindi. Pinahanda ko na ang guest room. Ang sabi ko lang walang problema na matulog siya sa mansion. Hindi ko sinabing magkasama kayong dalawa sa iisang kwarto."
Ako naman ngayon ang kumunot ang noo.
"Sabi mo kanina anong purpose ng paghihigpit mo kung ano... uhh..." hindi ko matuloy ang sasabihin dahil nahihiya akong sabihin.
"Oo nga sinabi ko nga. Pero kapag sa mansion hanggat hindi pa kayo kasal. Sa guest room siya. Kapag lumabas kayo sa mansion na ito. Bahala na kayong dalawa." Sinenyasan niya si Nurse Gi na itulak na ang wheel chair niya.
"I don't get it..." naguguluhan kong sabi sa sarili.
"Kasasabi ko lang kanina. Hanggat buhay ako, ako ang batas sa mansion na ito," aniya dahil narinig pa iyong sinabi ko.
Napanguso ako. Tsaka ko na-realize na mukhang sa mga sinabi ko ay mukhang ako pa itong gustong-gusto na magtabi kaming dalawa. Nag-init bigla ang pisngi ko. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Nililinaw ko lang dahil naguluhan ako sa mga sinabi ni Lolo.
Napangisi si Emil at inakbayan ako. Nagulat ako ng nilapit nito ang tainga sa akin sabay bulong.
"Hayaan mo, lilipat ako sa kwarto mo mamaya kapag tulog na siya."
"Emil!" sinikmurahan ko siya ng wala sa oras. Hiyang-hiya ako sa katulong na malapit lang sa amin. Kahit na bulong lang ay dinig pa din ng iba iyon. Hindi tuloy makatingin sa amin.
Napuno ng halakhak ni Emil ang buong sala. Ang kaninang nakasimangot kong mukha ay nagliwanag dahil nahawa sa malulutong na halakhak ni Emil.
Hinatid ko si Emil sa guest room nito. Nagkatinginan kami ni Emil ng huminto sa tapat ng kwarto nito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko na nilagay ni Lolo si Emil sa dulo. Sa huling guest room sa second floor. Akala mo naman walang nangyari sa amin kung ilayo sa akin. Samantalang sinabi naman niya kanina aware siya sa ginawa naming dalawa at wala na siyang magagawa. Pero ano ito?
"Kung may kailangan ka po Senyorito, tawagan niyo lang po ako. Mauuna na ako Senyorita..."
Tinanguan ko ang kasambahay at umalis na din ito.
Sinundan ako ni Emil ng pumasok sa loob para silipin ang tutulugan niya. Double size bed na puro puti and bed sheet and pillows. Kalahati ito ng kwarto ko. May round table and chairs sa loob. May sariling banyo at balcony. Same with our other guest room. It's a Spanish-style bedroom that features a wooden beam and wooden floors. A wall-mounted TV is in place. There are two sets of glass doors on the balcony. Magandang magmuni-muni doon tuwing umaga habang tinatanaw ang malawak na track kung saan kami nangangabayo kapag nasa Mansion.
May abstract painting din sa dingding, sa taas ng headboard ng kama. Sinilip ko ang banyo at siniguro kung malinis. Malawak din ito at may sariling bathtub.
"It's all clean. I already check the bathroom," sabi ko kay Emil matapos masara ang pinto. Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Naka-upo sa kama habang magkahiwalay ang magkabilang hita.
May awra talaga si Emil na isang tingin mo lang parang mappaluhod ka na niya. Siya iyong tipo ng lalaki na malakas ang dating. Naghuhumiyaw sa kakisigan. Ngayon na malayo na ang narating niya. Mas lalong nakaka-intimidate na siyang tignan.
Sa tuwing nagtatama ang aming mata. Kung hindi namumungay ay puno ng intensidad naman niya ako kung tignan. Pakiramdam ko ang daming tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ito. Ayoko ng ituloy kung saan papunta ang iniisip kung ito dahil nagtatayuan na ang balahibo ko sa katawan.
"I can stare at you the whole day..." namamaos niyang sabi sabay tapik ng tabi nito tanda na pinapaupo niya ako doon. Nag-init ang magkabila kong pisngi. May mumunting kiliti akong nararamdaman sa aking tiyan at tagiliran.
I looked at the bed. Nag-iisip pa ako kung uupo ba ako doon o hindi. Para kasing nakukutuban ko na kung ano ang gagawin niya. Namula ang aking pisngi.
I heard him chuckle.
"Oh, Jesus! You are easy to read! Come on. I want you to sit beside me. I didn't say you have to join me in bed," He said and tilted his head to one side. Puno ng pagka-aliw ang kanyang mga mata.
Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Obvious kung ano ang tumatakbo sa isip ko dahil sa reaksyon ko. Kaya ang dali niya akong mabasa ngayon.
Hindi ako lalo makatingin sa kanya dahil nang-aasar pa. Tahimik akong umupo sa kanyang tabi. Pinaglalaruan ko iyong mga daliri ko. Sa una lang ito. Naiilang ako pero sa mga susunod. Masasanay ako. Tulad ng dati.
Mabilis niyang pinalibot ang mga braso sa aking maliit na beywang. Dumikit pa lalo si Emil sa akin at ipinahinga ang baba sa aking balikat habang pinauulanan niya ako ng maiinit na titig.
"What are you thinking?" bulong niya. Nagdulot ng kiliti sa aking katawan ang init ng kanyang hininga. I shook my head.
Niyakap niya ako ng mahigpit at huminga ng malalim. Sinilip ko siya at nakita kong nakapikit na ang kanyang mga mata. He looks at peace. Ngayon ko na lang ulit nakita ang ganyang ekspresyon niya.
"I'm finally home, just like the old times. I miss being with you..." anas niyang sabi. Unti-unting nagmulat ng mata si Emil at tinignan ako gamit ang namimigat nitong mga mata.
"Tulad pa rin noon kapag niyayakap kita. Kumakalma ako kaya palagi kong gustong gawin 'to. Hanggang ngayon, ganoon pa din. Walang nagbago..." he said huskily. Pumikit siya ng mata at binigyan ng maliliit na halik ang aking balikat na siyang naghatid sa akin ng ilang libong boltahe ng kuryente sa aking katawan.