KABANATA 43: TRUE to his words, Emil would show himself to me whenever there was a chance. Sa buong stay namin sa resort ay hindi ito pumalya na hindi sumunod sa amin. Hiyang-hiya ako sa mga kaibigan sa mga sinabi ni Emil tungkol doon sa hindi daw siya titigil na suyuin ako. Narinig nilang lahat at noong bumalik kami sa cottage akala ko tutuksuin nila ako pero hindi naman. Pinabayaan na ko ng mga kaibigan at para sa kanila ako pa rin naman ang magde-desisyon. Kung tatanggapin ko ba si Emil o hindi. Susuportahan na lang daw nila ang desisyon ko. "The best ang resort for diving spot. Samahan ko kayo doon," presinta niya. Kanina pa siya nagsasalita pero si Prince lang ang kumakausap. Ngayon na nagpaalam na magbabanyo si Prince ay wala ng nagsasalita sa aming tatlo. Napatikhim si Phoebe. Il