KABANATA 45: HINDI nagpakita si Emil sa sumunod na araw. Akala ko nga tuloy-tuloy na ang pang-iistorbo niya sa akin pero hindi pala. Excited ako na kabado. Araw ng linggo, balak kong mamasyal sa buong Hacienda gamit si Alexandria. Nakasuot na ako ng damit at handa na sanang pumunta sa kuwadra ng makita si Lolo at ang isang lalaki na nasa harap ng fountain. Nag-te-train ng doberman. Kumunot ang noo ko. Nagtataka ako kung bakit interesado si Lolo sa aso e samantalang ayaw naman niya. Kaya nga nasa loob ng kwarto lagi ang mga alaga kong aso noon. Nakita kong natutuwa din siya sa tuwing sumusunod ang aso sa trainer. Tinuturuan din si Lolo para sumunod sa kanya ang aso. Lumapit ako. "Anong meron? Bumili ka ng doberman?" tanong ko. Tumango lang si Lolo habang tinatanaw ang mga aso na tumakb