KABANATA 48: HINDI ko na alam paano ko nadala si Emil mag-isa sa Hospital. Iniwan ba naman kami sa shortcut at ang layo pa ng main gate. Tapos si Emil may tama pa sa binti. Basang-basa ang pisngi ko dahil sa luha. Kabado talaga ako at buong akala ko binaril na siya ni Lolo. Kahit ang dami kong gusto sabihin sa kanya ay pinili ko munang manahimik at unahin ang maalis ang bala sa binti niya. Nasa labas ako naghihintay dahil nag-undergo siya ng surgery dahil sa nabasag na buto sa kanyang binti. "Maam, nai-report na po ba ito sa pulis?" tanong sa akin ng Nurse. "H-ha?" wala sa sarili kong sabi. "Kung nai-report na po sa pulis. Ano po bang nangyari?" tanong ng Nurse sa akin habang hawak ang isang form na hula ko doon nilalagay ang detalye ng pasyente. I don't want to lie pero kung sasabih