KABANATA 50: WALANG nagawa ang mga pinsan ko kundi ang hayaan kami ni Emil. Matapos nilang umalis ay kinausap kami ni Lolo ng masinsinan. Inamin niyang alam niya ang totoo sa amin ni Emil. Para akong nabunutan ng tinik. Nawala iyong pressure sa akin at stressed dahil ayoko namang mapahamak si Emil kung malamang nagsisinungaling siya. Nagpapahid ako ng cream sa mukha ng makita ko ang busangot niyang mukha. "Anong problema mo?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang repleksyon ni Emil sa salamin. Tinignan niya lang ako ng masama at nagtalukbong ng kumot. Napataas ang kilay ko. Matapos kong mag-ayos ay lumapit ako sa kama. Kinalabit ko siya. "Ano bang inaarte mo?" Niyugyog ko ang balikat niya. "Wala ka ng gana..." bulong nito pero sa sobrang hina hindi ko masyadong maintindihan. "Ano