KABANATA 26: BALISA ako simula ng malamang hindi ko na siya makontak. Tuliro ang utak ko at hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Mia. Panay ang text ko sa kanya at tawag. Nagbabaka sakali na baka na lowbat lang kaya hindi ko siya matawagan. "6:30 na. Baka ma-late tayo..." mahinang sabi ni Mia. Nahihiya na paalalahanan ako pero sinubukan niya pa din dahil nga may conference kami. Hindi ako nakinig. Patuloy ako sa pagda-dial ng numero ni Emil. The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please— Binaba ko ang tawag at nagtipa ng mensahe. "Baka lowbat. Kaya hindi mo makontak," si Mia na nagpapalubag pa ng loob ko. Mahal: You haven't sent any message. What happened? Hindi kita ma-contact. I'm starting to get worried. Are you sure everything's okay? Nakat