KABANATA 6:
PUYAT kami ni Emil ng gabing iyon. Hindi kami nawalan ng topic dalawa at nakatulog na lang ako na nasa kabilang linya pa siya. Akala tuloy ni Lolo ay pumuslit si Emil para makita ako at matulog sa kwarto ko dahil tinanghali ako ng gising.
Nagulat ako na kahit late na kaming natulog nakuha pa din ni Emil na maagang magising. Bagong ligo siya habang nakaupo na sa lamesa kausap si Lolo. Naabutan ko pa na papaalis iyong isa naming staff na inutusan pala ni Lolo na maghatid ng bagong set ng damit ng binata.
Wala naman kasing nakatagong damit na kakasya para kay Emil kung kaya napilitan na itong magpabili para may pamalit abng huli. Sabay-sabay kaming tatlo na nag-almusal. Hindi yata mawala ang pagka-overwhelmed ko sa lahat ng nangyari. Sa tuwing pinagmamasdan ko si Emil na kausap si Lolo nakakaramdam ako ng ginhawa.
Mabuti na lang at casual na silang nag-uusap. Nawawala iyong worries ko kapag nakikita kong okay silang dalawa. Nagpaalam kami kay Lolo matapos kumain. Hindi yata ako maka get-over na pinapayagan niya na ako kasama si Emil. Huminto sa harap ko ang pamilyar na Rolls Royce na itim. Tumaas ang kilay ko at sinulyapan si Emil sa aking tabi. Hindi na makatingin. Paano naalala ko na naman kung paano niya ako pinasundan gamit ang sasakyang ito.
"You should be a member of some Intelligence Agency. May future ka do'n, ba't di mo subukan?" Nakangisi kong habang nakaharap sa kanya. Hawak ni Emil ang pinto ng sasakyan at naiilang sa mga mapanukso kong tingin.
Emil groaned and looked at me annoyingly.
"I'm good at stalking when I get jealous. Get in," anito sabay baling ng ulo sa sasakyan tanda ng pinapasok niya ako doon.
"Then you're the one who's more likely to be a war freak rather than me." Nakangisi kong sabi sabay pasok sa passenger seat. Napa-iling na lang si Emil sa panunukso ko. Umikot siya sa kabila at pumasok sa driver's seat.
Abala ako sa pag-aayos ng seatbelt ng dumukwang ito sa akin at hinila ang seat belt para ayusin.
"Let me do it for you..." anas niya at hindi man lang ako tinignan pero amoy na amoy ko iyong menthol na candy na kinain niya kanina.
Napasulyap ako sa bicep niya hanggang sa napadpad ako sa kamay nitong malaki. Kayang-kaya niya akong ibalibag at durugin sa laki ng mga iyon. Naalala ko iyong wild scenes sa lawa kahapon. Nag-init ang magkabilang pisngi ko ng bumalik sa isip ko iyong pangigigil ni Emil sa akin sa tuwing hahawakan niya ako.
Nahigit ko ang hininga ng nag-angat ito ng tingin at nagtama ang aming mata. Sumilay ang ngisi nito sa labi sabay pinatakan ako ng halik sa labi. Kumibot ang kilay ako. Inaasahan ko pa naman matagal at mariin iyon pero magaan lang. Mapanukso niya akong tinignan.
"Good morning. Tama na ang daydreaming," aniya sabay layo sa akin at natatawa na. Binuhay ang makina ng sasakyan.
"Hindi, noh!" deny kong sabi sabay hampas sa braso nito. Tinawanan niya lang ako.
Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng mag-ring ang cellphone nito na nasa bulsa. Napasulyap ako doon pero binaling ko din ang tingin sa labas ng bintana.
"Can you get my phone, please?" anito.
Sumulyap ako kay Emil na abala pa din sa pagmamaneho. Ginagalaw nito ang kanang hita kung saan nakasuksok sa bulsa ng pantalon ang cellphone nito. Inabot ko iyon at pilit na siniksik ang kamay ko sa bulsa kahit na masikip ito. Panay tuloy ang galaw ni Emil ng hita para lang makuha ko ang cp niya. Nasa expressway kasi kami kaya hindi siya makahinto sa tabi. Kaso hirap naman akong kunin.
"Importante ba? Baka p'wedeng mamaya na lang sagutin," sabi ko ng tiningala ko siya. Napatingin siya sa akin sabay baling sa harap. Napalunok ng mariin. Umayos ako ng upo.
Iyong akin naman ngayon ang tumunog. Sinilip ko ang cellphone sa bag. It's Rita. Kumunot ang noo ko. Huli kaming nagkasama ay iyong umalis ako sa Club para kunin ang wallet ko pero ang ending hindi ako nakabalik dahil sa pag-uusap namin ni Emil.
Sumulyap ako kay Emil na seryoso pa din sa pagda-drive. Napatingin siya saglit sa akin bago bumaling sa harap.
"Sino 'yan?" tanong niya.
"Si Rita," sabi ko sabay sagot ng tawag.
"Hello..." mahina kong sabi. Bumaling ako sa kanan para mas makausap siya ng maayos.
"Hindi ka nagparamdam, ah. Busy kayo ni Philip? May lakad bukas, sasama ba kayo?" aniya.
Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi. Hindi pa alam ng mga kaibigan ko na wala na kami at mas lalo silang magugulat na kami na ni Emil.
"Nasa biyahe ako. I'll call you later," sagot ko sabay baba. Umayos ako ng upo ng mapasulyap ulit si Emil sa akin pero wala namang sinabi.
Hindi na din naman tumunog ang cellphone ni Emil kaya nagpatuloy kami sa biyahe. Tiningala ko ang mataas na building bago kami tuluyang pumasok sa parking. Huminto ang sasakyan matapos mag-park.
Saktong tumunog ulit ang cellphone ni Emil kaya nakuha niya na iyong sagutin. Napatingin ako sa kanya na natigilan ng makita kung sino ang tumawag. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at medyo bumigat ang pakiramdam. Hindi ko man nakita kung sino pero tila ba kinutuban na ako kung sino 'yon.
Narinig ko na lang si Emil na may kausap na sa kabilang linya.
"Hello..."
Napalunok ako at nanatiling nakabaling sa kanan. Pakiramdam ko hindi dapat ako nandito habang nag-uusap sila. I should give him a privacy. Hinawakan ko ang door handle at balak na sanag buksan ang pinto ng mabilis akong pigilan ni Emil. Napabaling ako sa kanya.
Walang ekspresyon niya akong tinignan habang may kausap pa ito sa kabilang linya.
"Yeah... kakausapin ko pa," anito habang nakatitig sa akin.
Kumunot ang noo ko. Sinenyasan ko siyang baba ako pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"Pagod ako kagabi. Nakatulog na ko. I should drop the call now nasa building na ko," aniya at hindi binabasag ang tingin sa akin.
Umayos ako ng upo at humalukipkip nakikinig sa sinasabi ni Emil sa kausap hanggang sa tuluyan niya na iyong ibaba. Hindi ko siya binalingan. Tahimik nitong binali sa pantalon ang cellphone at tila ba takot na kausapin ako.
"It was Vernice..." tila hirap nitong banggitin ang pangalan ni Vernice sa harap ko. Tumango lang ako sabay silip sa labas. Pero sa totoo lang nagpa-panic ako at ayokong pag-usapan ang tungkol doon.
"Halika na, baka naman hinihintay ka na ng Manager mo," sabi ko sa kanya.
"Let's talk about her first, please..." paki-usap ni Emil.
Natigilan ako at huminga ng malalim. Umayos ako ng upo at nanatiling tikom ang bibig. Sa akin pa rin nakaharap si Emil. Tila ba nakikiramdam at nag-aalangan pero sa huli pinili na lang din niyang magsalita.
"I want to tell her everything when she comes back. Dalawang linggo lang naman. I don't want to break up with her over the phone, and you already know why. It's rude if I'd do that. May pinagsamahan kaming dalawa at gusto kong maipaliwanag ng mabuti sa kanya kung ano itong nagyari sa ating dalawa. I don't want to ghost someone, so I'd like to do it when she's here. I just want to hear your thoughts about it? If you disagree, I'll have to do it—"
I cut him off. Binalingan ko siya ng may seryosong mga mata.
"Do it on your way. I trust you, Emil. I believe it's better to end your relationship with her that way. I understand kasi ganoon din naman ang iniisip ko kaya pinili kong antayin si Philip na umuwi bago ko siya hiniwalayan. So I respect your decision, it's hard to break someone's heart when you two became special to each other."
Natigilan si Emil at hinanap ang aking mga mata. Nang makita niya ang sinseridad doon ay dahan-dahan itong tumango at umayos ng upo.
"Alright. Thank you..." anas niya.
Napatitig ako sa kamay kong mahigpit na hawak ni Emil habang naglalakad papasok. Binati kami ng guard at may ilang staff na doon ang napatingin sa amin. Kitang-kita ko ang pagkunot-noo at gulat ng ilan dahil syempre alam nila si Vernice ang nobya niya. Wala ni isa ang naglakas-loob na kuhanan kami ng picture.
Sa itsura pa lang ni Emil ay mangingilag na sila dahil walang kangiti-ngiti itong naglakakad kasabay ko. Lumaki akong may kumpiyansa sa sarili. Pero tila ba naglaho ang mga iyon ngayong magkasama kami at nakikita ko kung paano kami tignan ng mga tao na may panghuhusga at pandidiri.
Huminto kami sa tapat ng nakasarang elevator. Tatlo ang naroon at pare-parehong may mga nag-aantay din na staff. Napapatingin din sa amin. Sinubukan kong alisin ang aking kamay pero hinila niya iyon sa kanya. Napatingin ako kay Emil na diretso lang ang tingin. Walang pakialam sa paligid. Ako ang nahihiya. Ngayon ako tinablan ng hiya dahil wala namang alam ang ibang tao sa tunay na sitwasyon naming dalawa.
Kung tutuusin sila pa talaga ni Vernice. Third party lang ako sa kanila. Bigla akong nanliit sa sarili. Hindi ko na naisip ang mga iyon at naging big deal sa akin ngayon dahil sa nakikita kong reaksyon ng ibang tao.
Bumukas ang lift at pumasok kaming dalawa. Hindi binitiwan ni Emil ang kamay ko kahit na pumindot na ito doon. Walang sumubok na sumabay sa amin. Lahat sila at nanatiling nakatingin lang kaya gusto ko sanang yayain kaso sinara ni Emil ang pinto.
Napapantastikuhan ko siyang tinignan.
"Ba't mo sinara? Ang luwag pa, marami silang nag-aantay sa baba!" sabi ko ng umakyat na ang lift.
Sumandal lang si Emil at dumaosdos ang palad nito sa aking beywang. Pumikit siya at tila walang pakialam sa sinabi ko.
"Ayaw nilang pumasok alangan pilitin ko," simple niyang sagot. Hinapit niya ako sa beywang at niyakap ng mahigpit. Pumiksi ako dahil baka biglang bumukas ang elevator at may makakita pa sa amin. Nakakahiya naman na nagyayakapan kaming dalawa dito.
Umungol si Emil sa iritasyon.
"Don't move," utos nito pero tinukod ko ang dalawa kong palad sa matipuno niyang dibdib para maitulak ko ang sarili paalis sa mahigpit nitong pagkakayap. Nakapulupot na kasi ang braso nito sa manipis kong katawan.
"It's embarrassing if someone caught us hugging each other. Baka bumukas bigla ang pinto," natataranta kong sabi at panay lingon sa pinto ng elevator.
Dumilat si Emil at naningkit ang mga mata. Natigilan ako.
"Kinakahiya mo ko?"
"Ang drama mo!" asar ko sa kanya pero may halo ng biro. Muling pumikit si Emil pero this time salubong na ang kilay niya. Hindi na din ako pumiksi dahil the more na ginagawa ko siya. Mas lalo lang humihigpit ang yakap niya. Namilog ang mata ko ng nag-bend ito ng kaunti at pinahinga ang baba sa aking balikat. Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan ng maramdaman ang init ng kanyang hininga. Naghatid ng kiliti sa aking tagiliran.
"You should eat a lot. Parang kapag hinigpitan ko pa 'yong yakap ko. Madudurog kita..." namamaos niyang sabi.
"Sige dadamihan ko. Do you want a voluptuous body?" Humagikgik ako at sinilip ko siya. Nanatili pa ding pikit ang kanyang mga mata.
"I don't mind. As long as your mine, I don't fuckin' mind..." bulong niya.
Nakagat ko ng mariin ang labi para maitago ang ngiti. Pinamulahan ako sa sinabi niya. Tumunog ang lift kaya nataranta akong pumiksi. Tamad na tamad si Emil na umalis sa pagkakayap sa akin kaya naman kahit bumukas ang elevator at sasakay sana ang lalaking empleyado ay napaurong ito.
"Uhh... sorry. Next, elevator na lang po," nahihiya nitong sabi at ito na mismo ang pumindot para sumara ang pinto.
Iyong ibang tao na ang nahihiya sa ginagawa naming dalawa.
"Emil!" gigil kong sabi kay Emil na walang pakialam at sumubsob na ang mukha nito sa leeg ko. Pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan.
Umungol lang ito na parang inaantok.
"I want to go home and sleep in bed with you..." bulong niya sabay pisil sa aking beywang. Hindi pa nakuntento hinalikan ba naman ako sa leeg. Bumilis ang paghinga ko at mas lalong namula ang mukha dahil sa ginawa nito.