KABANATA 34: NANGINGINIG ang aking sistema. Tumayo ako at kunot-noo ko siyang nilapitan. Puno ng takot at pagsisi ang bumadha sa kanyang mukha. “Help him, please…” she pleaded. “Anong pinagsasabi mo?!” Nanlilisik ang aking mga mata. Panay ang kabog ng aking dibdib. “S-sa condo. Nasa condo siya sa Pasig. Ibibigay ko ang address. Aalis na ko, Geselle…” umiiyak niyang sabi. Naguluhan ako lalo. “Huh?” lito kong sabi. Pigil ang aking hininga. “He’s not the same Emil I knew anymore. Ayoko na. How can I stay with a man who’s cold as ice? Hindi niya ako pinapansin. He’s just cooperating because of the child. I tried… I tried to hurt myself again. Babalik siya sa dati pero paglipas ng araw ganoon ulit. He always left me alone in that damn cold room after I fell off asleep. I hate it! I hate