BASTIEN Nag-joyride kami ni Kris gamit ang kotse ko isang Sabado. Nagpunta kami sa San Jose, kumain ng snacks sa isang sari-sari store at saka bumalik din sa Dumaguete para mag-mall. May ilan kaming mga kakilala na nakita at nakausap nang saglit bago kami nagpatuloy sa pagpunta sa Movie World para manood ng isang action-romance-comedy na palabas. Nakapuwesto kami sa pinakataas na hilera, sa kaliwang bahagi. Magkahawak ang mga kamay namin at paminsan-minsan ay hinahalik-halikan ko siya sa pisngi o sa labi habang nasa silver screen nakatuon ang paningin ng mga tao. Pagkalabas namin sa cinema ay nakita ko agad si Talia na may kasamang kaibigang babae na tisay rin. Nakasuot siya ng skinny jeans at hangin