BASTIEN Hinatid ko si Kris sa condo niya. Hindi siya nagsalita sa ‘kin sa buong biyahe kahit kinausap ko siya. Ayos naman si Sakahara dahil naintindihan na rin niya sa wakas na hindi talaga ako puwedeng umibig o magpakasal sa kanya. Titigil muna siya nang pansamantala sa mansion namin sa Bais bago siya babalik ng Dumaguete at saka lilipad din pabalik ng Manila. Wala naman na kasi silang bahay rito simula nang naka-base na ang pamilya nito roon. I just wished her good luck that she’d find the right guy for her. Pagkauwi ko naman sa bahay ay nagbihis lang ako at saka nagpunta sa opisina. Nagtrabaho lang ako nang ilang oras at saka umuwi rin. May gusto lang akong i-check sa hinaharap. Sana sa pagkakata