"Nasaan ang asawa ko?!" Asik niyang tanong kay Gideon at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa kwelyo ng kanyang suit. Masamang tingin ang pinupukol sa kanya ni Gideon, kaya ginantihan niya ito ng masamang tingin din. Nagkakasukatan sila ng tingin nito. "Nasaan ang asawa ko?!" Mariin niyang tanong. Hindi siya pwedeng magkami, malinaw niyang narinig mula kay Gideon na nilayo nito sa kanya ang asawa niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya makita-kita kung nasaan ang asawa niya. "Nasaan ang asawa ko?!" Malakas niyang sigaw kay Gideon. Ikatlong tanong na niya kasi ito hindi pa rin sinasagot ng lalake ang tanong niya. "Damn you!" Mura ni Gideon sa kanya, sabay bitiw sa kwelyo niya at tinulak siya nito palayo. Hindi siya natinag nanatili siyang nakatayo at nakatingin ng masama kay G

