Mabilis siyang naghilamos pag akyat niya muli sa itaas, at nagpalit na rin siya ng t-shirt, kumuha siya ng t-shirt sa closet ni Calvin, puting t-shirt pa rin ang napili niya, pakiramdam kasi niya sexy at maganda siya pag puting t-shirt ni Calvin ang suot niya. Isama pang wala kasi siyang suot na bra kaya tiyak na maganda ang view niya kay Calvin. Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Napakaganda pa rin niya kahit sa simpleng suot at wala man siyang kaayos-ayos sa mukha. Tinaas pa niya ang kamay para titigan ang suoy niyang engagement ring. Lumalim ang ngiti niya sa labi, saka excited na hinalikan ang singsing na bigay ni Calvin. "I love you, Calvin," sabi pa niya at inayos ng kaunti ang buhok, saka na siya nagtatakbo palabas ng silid. Pati sa hagdan nagtatakbo na rin

