Kinabukasan kinailangan na nilang pumasok ni Gianna sa opisina, dahil baka hanapin na siya ng mga tauhan niya sa station. Si Gianna naman pwede na itong magpahinga kung gusto nito. Hindi naman kasi nito kailangan pang magtrabaho nito, kaya niya itong buhayin. "Breakfast is ready," nakangiting bungad sa kanya ni Gianna nang magtungo siya sa komedor. Nauna na kasing bumaba si Gianna sa kanya kanina matapos nilang sabay maligo, at makapagbihis ng pampasok nila sa opisina. Wala muna silang make love kagabi at kanina, dahil alam niyang kailangan rin ni Gianna ng pahinga. Kaya naman niyang tiisin. Nagawa nga niyang magtiis ng matagal, ngayon pa kaya. Kahapon matapos nilang mag breakfast sa condominium na tinuluyan ni Gianna hinakot na nila ang mga gabi nito pauwi ng bahay, at pagkatapos nagtun

