Kinabukasan lang ay nagtungo na siya agad sa Europe kung saan naroon si Gianna. Nakuha rin niya mapa amin si Gideon kung nasaan ang asawa niya. Well, hindi naman naging madali sa kanya ang lahat. Kinailangan pa niyang magmakaawa ng husto kay Gideon, para lang sabihin nito kung nasaan ang asawa niya. Hinayaan pa nga niyang masuntok siya ni Gideon sa pisngi na siyang kinaputok ng kanyang labi, bago nito sinabi kung nasaan nga ba si Gianna. Balewala ang sakit ng pagkakasuntok sa kanya ni Gideon, kahit pumutok pa ang labi niya at nangitim ang gilid ng kanyang labi. Ang mahalaga ay malaman niya kung nasaan ang asawa niya. Nang sabihin na sa kanya ni Gideon kung nasaan si Gianna, pinakiusapan pa niya ito na huwag muna nitong sabihin kay Gianna na alam na niya kung nasaan ito. Baka kasi umiwa

