Kinabukasan pagmulat niya ng mga mata mag isa na lang siya sa kama at wala na sa tabi niya ang asawa. Asawa na niya ngayon si Gianna, ikinasal na sila kahapon, at kagabi inenjoy na nilang mag asawa ang kanilang honeymoon. Masasabi niyang pinaka the best na pagtatalik na kanilang ginawa ni Gianna bilang mag asawa. "Gianna," nakangiting banggit niya sa magandang pangalan ng asawa, saka siya tumihaya ng pagkakahiga at tumitig sa kisame, na kung saan tila nakikita pa niya ang eksenang pinagsaluhan nila kagabing mag asawa. Napakagat labi pa siya, dahil hindi niya lubos akalain na kayang gawin ni Gianna ang mga ginawa nito sa kanya kagabi. Nagtaka rin siya kung paano kinaya ng asawa ang pagka monster niya sa kama. Nagawa lang naman niya iyon, dahil talagang sobrang sabik na siya asawa. Halos d

