"Hi, Mrs. Ramirez, " bati sa kanya ni Darwin nang magtama ang kanilang mga mata. Napalunok pa siya. Nakaramdam siya ng takot sa creepy na pagbati nito sa kanya, isama pa ang matalim na pagtingin nito sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagbaba ng mga mata nito sa tiyan niyang halata na. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang lalong tumalim ang mga mata nito habang nakatingin sa tiyan niya. Alam niyang wala na si Darwin sa RTV, dahil sa dami daw ng personal issue nito, isama pa ang pag take advantage daw nito sa mga baguhang talent at ilang mga fans nito. Na terminate ang kontrata nito, dahil sa dami ng reklamo rito, at hindi iyon pwedeng i tolerate ng station, kaya tinapos na ang kontrata nito sa station. "Darwin," sambit niya sa pangalan ng lalake. Pasimple niyang nilingon ang

