Binalot niya ang hubad na katawan sa puting kumot, matapos maingat na bumaba ng kama, kung saan mahimbing na natutulog si Calvin. Nadapa ang hubad na katawan ni Calvin sa kama, kaya naman pinagsawa muna niya ang mga mata na pagmasdan ang magandang katawan nito na kanina lang umangkin sa kanya. "I love you so much, Calvin," bulong niya. Naiiyak pa nga siya sa sobrang saya ng kanyang pakiramdam. Naisuko na niya kay Calvin ang sarili ngayon, hindi lang isang beses kundi tatlong beses siyang inangkin ni Calvin buong gabi. Kaya naman ramdam na ramdam niya ang pagod sa katawan at hapdi sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Kahit masakit at mahapdi masaya pa rin siya dahil nag enjoy naman siya sa ginawa sa kanya ni Calvin. Wala siyang ano mang pagsisising naramdaman sa pagsusuko niya sa sarili

