“KNIFE-HAND BLOCK, knife-hand block, middle punch, shout!” “Ya!” Napalingon si Alucard sa grupo ng pitong kababaihang nag-aaral ng self-defense sa isang bahagi ng malaking gymanasium na iyon. Nang makausap niya ang coordinator ng shelter, agad siyang kumilos para makahanap ng mga tao na magiging bahagi ng mga plano niyang matulungan ang naturang organisasyon. Pero dahil iyon ang unang pagkakataon na nagsagawa siya ng naturang aktibidades, self-defense training at medical mission pa lang ang na-conduct niya. On progress na rin ang pag-aasikaso niya para sa scholarship program ng mga batang hindi kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang. “I must say, Adrian, pinahanga mo ako. Hindi lang sa ginawa mong program na ito kundi pati na rin sa pagkuha mo sa serbisyo ni Buhawi Magno. Ang a