"'NAY, Yaya Doring, mauna na kayo sa loob. Sa kuwarto ko na lang po ang mga anak ko. Mag-uusap lang kami saglit ni Leandro," sabi ni Yolly nang makarating sila ng bahay nila. Si Leandro na ang naghatid sa kanila. Nagkatinginan sina Aling Yolanda at Yaya Doring dahil ngayon lang nagsalita si Yolly simula umalis sila sa mansyon. Ibang-iba na Yolly ito ngayon sa paningin nila. Napakaseryoso. Pero hindi na sila umimik pa. Saglit ay tinanguan ni Aling Yolanda si Yaya Doring. Pilit pinasama sa kanila ni Madam Angie si Yaya Doring para mag-alaga sa mga bata kahit ayaw sana ni Yolly. Pumasok na nga sila sa loob ng bahay karga ang mga sanggol. "Okay ka lang?" tanong ni Leandro kay Yolly nang sila na lang sa labas. "Sorry dahil wala ako kanina nang--" "Leandro, umalis ka na rin. Ayaw na rin kita