"MAYET, umuwi ba rito si Kuya mo?" tanong agad ni Yolly sa kasambahay nilang dalagita nang makababa siya sa kotse ni Leandro. Inihatid siya ni Leandro. Si Diane ang pumasok na lamang sa mga next subject nila. Actually, gusto ring sumama ni Diane sa kanila pero siya ang nagsabing pumasok ang kaibigan. Ayaw niyang madamay ang pag-aaral ni Diane dahil lang sa away nilang mag-asawa. "Hindi po, Ate. Hindi ba may klase pa kayo?" ngunit nagtatakang sagot at tanong ni Mayet. Pero no'ng bumaba si Leandro sa kotse ay akala mo'y may epilepsy kasi kinilig ito sa guwapong binata, lalo na nang ngumiti si Leandro rito. "Ete, sino siye?! Eng cute nemen nye?!" Kinurot ni Yolly sa tagiliran ang dalagita. Ang pangit magpa-cute, eh. Landi! "Pumasok ka na ro'n! Bilis!" "Ate, nemen eh!" "Sige na!" Pinanla