Carys’ POV NANG gabing iyon sa loob ng tahimik at pribadong kuwarto sa Subic, tuluyan ko nang isinuko ang lahat ng arte ko. Wala na ang mga pormahan at pagmamatigas ng isang babaeng galing New York na akala mo ay walang tatalo sa taas ng pride. Wala na rin akong pakialam sa sasabihin pa ni Olga. Para iwas problema, hindi na muna ako kumokontak sa kaniya. Mukhang busy rin naman siya sa buhay niya roon kaya hindi na rin siya nangungulit pa about Ninong. Basta masaya ako ngayon at hindi na magulo ang paligid. Wala na muna akong iniisip na iba. Ang tanging mahalaga lang sa’kin ngayon, kasama ko si Lola Molly. Healthy siya at happy din na magkasama kami. Malapit na ngang matapos ang bakasyon ko pero parang ayaw ko pang bumalik sa New York. Ang natitira na lang na kagustuhan ko ngayon ay

