CHAPTER 11

2010 Words

CARYS’ POV  HINDI pa nakakalipas ang limang minuto simula nang marinig ko ang marahas na pagbukas at pagsara ng pinto sa may main entrance nitong mansiyon. Mabilis akong lumingon. Si Ninong Emerson. Lalapitan ko sana si Lola Molly para magpatulong at magtago sa likod niya nang makita ko ang madilim na anyo ni Ninong. Perro paglingon ko sa tabi ko, wala na siya roon. Pumunta na pala siya sa kusina para ipaghanda kami ng tanghalian at iutos sa mga katulong ang mga kakaning iniwan ni Tristan. Sobrang malas. Ako na lang ang naiwan sa malawak at tahimik na sala. Dire-diretsong naglakad si Ninong patungo sa akin. Mabibigat at puno ng panggigigil ang bawat hakbang niya. Wala na ang kalmadong mukhana na pilit niyang itinatago sa harap ni Lola kanina. Nakabukas na dalawang butones sa itaas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD