CHAPTER 5

1734 Words
CARY'S POV HINDI ko binuksan ulit ang pinto nang marinig kong tuluyan nang nawala ang mga yabag ni Ninong sa hallway. Dahil kung bubuksan ko pa, baka makita niya kung paano nanginginig ang mga kamay ko. At baka marinig pa niya kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko na hindi ko alam kung dahil ba sa galit o dahil sa kahihiyang paulit-ulit na bumabalik sa akin tuwing naiisip ko ang gabing iyon sa New York. Gusto ko ng kalimutan 'yon. Wala naman na akong mapapala. Ninong ko siya at inaanak niya ako. Sobrang bawal. End of story. Napahinga ako nang malalim at humiga ako ulit sa kama, pero hindi pa rin ako makatulog. Iniikot-ikot ko ‘yong phone ko sa kamay ko hanggang sa hindi ko na napigilan at tinawagan ko si Olga. Kasi siya lang naman ‘yong taong puwedeng pagbuntungan ko ng inis ko nang hindi ako huhusgahan. O kung husgahan man niya ako, at least tatawanan lang niya ako habang ginagawa ‘yon. “Hello?” boses ni Olga, antok pa at may halong inis. “Carys? Ang aga mo mang-istorbo. Nine AM a dito sa New York, ha.” Puyat siya sa kaka-party sa gabi kaya tanghali na nagigising. Alam ko kasi gawain namin 'yon ni Olga. “Gumising ka na. Matulog ka na lang ulit mamaya," sabi ko sa kaniya. “Kailangan ko lang ng kausap. Ngayon na.” Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga sa kabilang linya. “Let me guess. Si Mr. Rejection pa rin? ‘Yong ninong mo na akala mo 'one night kiss' lang sa bar pero plot twist, ninong mo pala.” Napapikit ako. “Wag mo na nga banggitin ‘yon.” “Girl,” tawa niya. Malutong. Mapang-uyam. “Paano ko hindi babanggitin? Eh, ikaw ‘tong isang buwan nang nagwawala kasi hindi mo matanggap na may lalaking tumanggi sa’yo? Carys Virtanen. The Carys Virtanen. Rejected ng hot oldie guy. At ngayon, ninong mo pa. Plot twist of the year." Tapos tumawa siya nang malakas. "Girl, you're so... screwed!" “Kung nakakatawa ‘yan sa’yo, eh 'di tumawa ka,” mataray na sagot ko, pero ramdam ko ‘yong pag-init ng pisngi ko kahit wala siya rito. “Pero ‘wag mong isipin na okay lang ako dito. Kasi hindi.” “Okay,” humina ‘yong tawa niya pero hindi nawala ‘yong pang-aasar sa boses niya. “So, ano’ng balita? Nag-usap na ba kayo? Nag-sorry na ba siya? O mas lalong lumala kasi nalaman niyang inaanak ka niya?” Natahimik ako. Kasi paano ko sasabihin sa kaniya na kanina lang, nasa labas ng kwarto ko si Ninong, at nag-sorry, tapos ako pa ‘yong sumara ng pinto sa mukha niya? Paano ko sasabihin na sa halip na makaramdam ako ng ginhawa, mas lalo lang akong nainis kasi 'bata' ang turing sa'kin ni Ninong kaya hindi niya ako pinatulan nang gabing iyon? Eh, 'di lalo lang akong tinawanan ni Olga. Pero hindi ko pa rin napigilan na aminin sa kaniya ang totoo. After all, she's my best friend. Kahit best enemy ko rin minsan. And I was right. Ang lakas nga ng tawa ng bruha! “Olga,” babala ko. “Kung tatawanan mo lang ako, ibababa ko ‘tong tawag.” “Wait, wait,” sabi niya at narinig ko ‘yong pag-upo niya marahil sa kama niya. “Hindi ako nandito para laitin ka, Carys. Nandito ako para ipaalala sa’yo kung sino ka. You don’t get rejected. You reject. You don’t chase. You get chased. So, bakit parang siya pa rin ‘yong nasa isip mo hanggang ngayon?” Napalunok ako. Kasi ‘yon din ang tanong ko sa sarili ko. Bakit ba iniisip ko pa rin si Emerson? Siguro dahil hindi ko pa rin matanggap na sa dami ng lalaking gustong humalik sa'kin ng gabing iyon, siya pa talaga ang nakita ni Olga na halikan ko. Kung bakit kasi sa dami ng puwedeng maging ninong ko, siya pa? “Ewan ko,” bulong ko. “Siguro dahil sa pride ko. You know me. Hindi puwede sa'kin 'to. I hate rejection!" “Exactly,” sabi ni Olga, at biglang sumeryoso ‘yong boses niya. “So gantihan mo nga siya. Hindi ‘yong gawin mo rin 'yong ginawa niya sa'yo. I mean, bawiin mo ‘yong pride mo. Iparamdam mo sa kaniya na hindi ka nasaktan. Na hindi ka naapektuhan. Na kung sino man siya, isa lang siya sa mga lalaking dumaan sa buhay mo at wala lang sa'yo ang encounter n'yo noon. At kung ayaw pa rin, ano ba ang ginagawa ng charm ng isang Carys Virtanen?" Natahimik ako. ‘Yong mga salitang ‘yon ang paulit-ulit na umikot sa utak ko mula nang ibaba ko ang tawag kay Olga. Gantihan mo nga siya. Hindi ko kailangan ng sorry niya. Hindi ko kailangan ng explanation niya. Ang kailangan ko ay mabawi ko ‘yong pride na nawala sa akin nang gabing iyon. Tama si Olga. Hindi puwedeng gano'n na lang 'yon! CARY'S POV KINABUKASAN, maaga akong gumising at bumaba. Naka-shorts ako at crop top. Naka-makeup pa kahit aalis lang kami para mag-inspection sa mga bukid ni Lola. At nang makita ko si Ninong Emerson sa kusina, nakaupo at nagkakape ulit na parang wala lang, ngumiti ako. Malawak. Matamis. ‘Yong ngiti na ginagamit ko sa New York para makuha ang gusto ko. Lalo na sa mga lalaki. “Morning, Ninong,” bati ko, at sinadya kong diinan ‘yong huling salita. “Sleep well?” Tumingin siya sa akin. Isang segundo lang, tapos bumalik agad sa kape niya. “Morning,” sagot niya. Maikli. Walang emosyon. “Kape?” Ngumiti ako pero medyo fake. "No thanks. Hindi ako umiinom sa umaga. Lalo na kapag kagabi lang, may tao pang nag-aalala kunwari tapos ngayon, stranger na ulit.” Tumigil siya sa pag-inom. Hindi siya sumagot. Pero nakita ko ‘yong pag-igting ng panga niya. “Anyway,” patuloy ko habang kinukuha ko ‘yong mansanas sa fruit basket at sinadya kong kagatin ito nang mabagal sa harapan niya. “Excited na ako sa tour natin today. Saan naman tayo? Sa bukid ulit?" "Sa bukid pa rin. Eight AM. Mag-ready ka," sagot ni Ninong. "Noted.” Umupo ako. Kumuha ako ng saging naman at kinagat ko ‘yon nang mabagal. Hindi ako tumingin sa kaniya. “May forty five minutes pa pala,” sabi ko sa hangin. “Enough time para magkape... ah, wait. Hindi pala ako magkakape today." Tapos tumayo ulit ako. “See you at eight, Ninong.” CARY'S POV BUONG ARAW, ginawa ko ‘yong lahat para makuha ang atensyon ni Ninong. Hindi kasi gumana ang pa-cold ko, eh. Tumawa ako nang malakas sa mga biro ng mga tauhan ni Lola. Nagpa-picture ako sa tabi ng kalabaw kahit nandidiri ako. Sumayaw-sayaw pa ako sa gitna ng palayan habang naka-video call ako kay Olga. Muntikan pa nga akong mahulog sa putikan. Pero si Ninong, busy lang sa pakikipagkuwentuhan. Parang wala lang talaga. At doon ako lalong nainis. Kasi kahit anong gawin ko, hindi ko makuha ang atensiyon niya. Hindi siya nagre-react. Parang bato! Pag-uwi namin, napagod lang ako. Napagod na walang napala. Hindi tuloy ako makatulog. Tumambay muna ako sa veranda nang mag-isa. Umiinom ako ng wine nang biglang mag-ring ang phone ko. It's Olga. “Update?” tanong niya pagkasagot ko. “Wala,” sagot ko. “Bato siya. Walang reaksiyon.” “Tsk,” sabi ni Olga. “Eh, di dagdagan mo ang effort mo. Carys, you didn’t get to where you are in New York by giving up after one day. Gamitin mo ‘yong charm mo. ‘Yong pinagyayabang mo sa’kin noon. Kung hindi gumagana ‘yong sweet or cold, try mo ‘yong mataray. Kung hindi gumagana ‘yong mataray, try mo ‘yong malandi.” “Olga,” sabi ko. “Hindi ko siya lalandiin." “Hindi mo siya lalandiin,” sagot niya. “Ipaparamdam mo lang sa kaniya kung ano ‘yong nawala sa kaniya nang talikuran ka niya. Para next time, siya naman ‘yong maghahabol.” "Pero ninong ko siya at inaanak niya ako," sabi ko. "Bawal, girl." "Uso na ang forbidden ngayon, Carys. Para namang hindi ka New York girl niyan," natatawang giit ng friend ko. Napapikit ako. Alam kong mali. Alam kong may mali sa buong plano na ‘to. Pero nandito na ako. Wala ng atrasan ito. Tama si Olga. Walang bawal-bawal sa isang Carys Virtanen. Kaya nang makarinig ako ng mga yabag papunta rito sa veranda, hindi ako tumayo. Nanahimik lang ako. Kunwari hindi ko siya narinig. At nang makita ko si Ninong na nakatayo sa may pintuan, hawak pa rin ‘yong susi ng pickup, tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “Ninong,” tawag ko. Malumanay at malambing ang boses ko. “Hindi ka pa pala natutulog?” Umiling siya. “May kukunin lang ako sa loob ng sasakyan." “Ah,” tumango ako at inalog ko ‘yong wine sa baso ko. Tapos inalok ko sa kaniya. “Gusto mo? Para makatulog ka." "No, thanks," sagot ni Ninong. Hindi ko na siya kinausap ulit. Nag-scroll na ako sa cellphone. Parang wala lang siya doon. Napahinto siya. Ilang segundo. “Carys," tawag niya sa pangalan ko. May bigat ‘yong boses niya. Hindi ako sumagot. Hindi rin ako lumingon. “What do you want?” tanong niya. Mahina pero matigas. Ibinaba ko ‘yong phone. Tumingin ako sa kaniya. Kalmado lang ako. Parang napansin pa niya ako na hindi ko siya pinansin. “Nothing.” Tumayo na ako. Kinuha ‘yong cellphone ko. " Good night, Ninong," sa halip ay sabi ko. At dumaan ako sa tabi niya, sobrang lapit na halos magdikit ang mga mukha namin. Sinadya kong ipaamoy sa kaniya ang hininga ko para malaman niya ang sinayang niya ng gabing iyon. Pero iniwasan ko pa rin na magdikit kami. Oara kunwari, wala lang. Pagpasok ko sa kuwarto ko, sinarado ko ang pinto at sumandal ako dito. Doon ko lang hinayaan ang sarili ko na huminga nang malalim. Napangisi ako kasi mukhang gumagana ‘yong plano ko. Tinawagan ko si Olga. “Plan B,” sabi ko pagkasagot niya. “Anong Plan B?” tanong niya. Lumapad ang pagkakangisi ko. “Hindi ko siya lalandiin. But I'll make sure na siya naman ang maghahabol sa’kin.” Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD