Hindi yata nagustuhan ni Ariel ang naging sagot ko dahil kaagad itong sumimangot. Kaya lang ay wala itong pagkakataon na pagalitan ako o i-confront ako dahil papaparating na si Khalil. Nang tumingin ako sa gawin g lalaki, bahagya akong nakaramdam ng awa. Nang ibinigay sa akin ni Khalil ang malamig na beer ay kaagad ko itong tinanggap. “Cheers!” Sabi ni Khalil sa akin habang nakangiti. “Cheers,” sagot ko at siyempre, ngumiti na rin ako. Alangan naman kung hindi, di ba? “Hmmm, bro, if you want some beers, go get some,” sabi ni Khalil kay Ariel na kumuha ng sarili niyang beer dahil marami sa refrigerator, at inakala kong hindi siya aalis. Nang makaalis si Ariel ay muli kong itinuon ang aking pansin sa karagatan. Sa di kalayuan ay may namataan akong iilang maliliit na bangka at sa tingi